Kabanata 18

15 3 0
                                    


Kabanata 18

Saturday came but we don't do anything aside from we went to church in the next day and after that we had a simple banquet just the three of us.

Day went faster, now it is Monday morning and I am busy printing the sheets for the election later. Every party were now tense. They conducted a simple campaign earlier promising that they will fulfil and do their duties, they were trying to catch everyone's heart.

Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na ang botohan. Room to room ang naging botohan, kaming mga current SSG officials ang nagbigay ng sheets sa iba't ibang building na sakop ng junior.
Habang naghihintay ay kumuha ako ng isang sheet at bomoto na rin. Isang oras lang ay natapos na lahat ng estudyante. Now, it is time for the counting.

Nagtawag kami ng ilang estudyante para tumulong sa amin, ang ilan ay nagbibilang at ang ilan ay naghahanay ng mga papel kung sino ang partido na binoto nila.  Kasama ako sa paghahanay.

Inilagay ko ang mga sheets na hawak sa isang box kung saan nakalagay ang mga papel ng 8th graders. Inayos ko iyon bago kinuha ng isang estudyante na tumutulong din sa amin, nang akma kong itutuloy ang iba pa ay napansin ko ang isang estudyante sa tabi ko na nakatingin sa akin.

"Uhm..." tumingin ako sa katabi kong 9th grader nang dahan-dahan niya akong kalabitin.

"Ano 'yon?" taka kong tanong sa kaniya, mababasa sa mukha niya ang pag-aalinlangan na sabihin sa akin pero ilang segundo lang ay iniabot niya sa akin ang isang papel. It was one of the election paper, tinanggap ko ito at binasa ang mga nakapa-loob doon.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa kung ano ang pangalan na nakasulat sa buong papel.

"The heck..." bulong ko.

"Counted po ba 'yan kahit hindi ka naman kasali?" nahihiyang tanong niya, hindi ko muna siya pinansin at tiningnan kung sino ang nagmamay-ari nito pero hindi siya nagsulat ng pangalan niya.

"Sira ba ang ulo nito? Bakit pangalan ko lahat ng nakasulat dito?"

Gustuhin ko mang papalitan ito kung kanino man ang papel na ito pero hindi ko magawa dahil libo ang bilang ng juniors, wala siyang sinulat na pangalan niya pati ang section o kung anong grade siya kabilang ay hindi niya sinulat, only my name was written there. Nothing more.

Binalik ko sa kaniya iyon at sinabing itapon na lang niya iyon. I'm not one of the participants anymore, kaya walang silbe iyon.

Hindi ba niya nabasa na wala ang pangalan ko? O sadyang wala lang talaga siyang pake sa botohang nangyayari?

Ilang oras bago natapos ang bilangan, they are now making the final result that will be pin on the campus' bulletin board.

Ngayon ang huling araw ko bilang Presidente, but I don't feel anything, hindi ako malungkot o masaya, but one thing is for sure, I don't have regrets being the President of this huge campus and no regrets for letting anyone take my place.

Sa totoo nga, merong parte sa akin na parang nakahinga ng maluwag dahil mababawasan ang responsibilidad ko.

Nagdaan ang mga araw. The new SSG officials finally taked our place, nagsimula na rin sila sa mga pinangako nila no'ng nangangampaniya pa lang sila, they started to make our campus better than ever.

"Ughh! Paano nakuha 'yon?! Bakit iba iyong sagot?! Sinundan ko naman 'yong solutions?!" napatingin kaming lahat sa kaklase naming kanina pa na nagrereklamo dahil iba ang naging sagot niya sa multiple choice.

Natawa rin ang prof namin. We are now preparing for our final exam, this giving me headache, big time. Dito nakasalalay ang kinabukasan ko, dito nakasalalay kung makakaya ko bang makatungtong sa next level.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now