Kabanata 41

8 3 0
                                    

Kabanata 41

I know something is not right with Kroiwen an hour ago, he's... cold.

Napabuntonghininga ako bago kinuha ang mga gamit ko at agad na umalis ng bahay para pumasok. Habang papunta sa paradahan ng tricycle ay patuloy na dumadalaw sa isipan ko ang pakikitungo ni Kroiwen sa akin kanina.

Maybe he's just tired?

Oo. Maaring pagod lang ito at gusto ng magpahinga kaya agad siyang umalis pagkababa ko ng kotse. Anong oras na rin naman kasi kami umuwi nang gabing iyon dahil sa pag-o-iver time at marami nga ang naging customer namin.

Agad akong umakyat sa department namin. Inaasahan ko na naroon si Kroiwen habang may hawak na bulaklak o malaki ang ngiti sa akin habang palapit ako sa kaniya but to my surprise, he was not there. Wala ito sa baluster, walang nakahilig doon na lalaki na kapag namataan ako ay agad sisilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

Bumuntonghininga ako bago pumasok sa room namin at agad ding lumibot ang mata at nahinto iyon sa upuan ko, inaasahan kong naroon siya, na naghihintay pero, wala. Bakante ang upuan ko kung saan siya naghihintay minsan habang wala pa ako.

Maybe he's late or something.

O kaya naman ay may kailangang gawin kaya hindi niya ako napuntahan sa umagang ito? Inilabas ko ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe sa kaniya.

Me:

Sabay tayo mag-lunch. May ibibigay ako sa'yo.

Nanahimik ako sa tabi nang wala akong natanggap na mensahe galing sa kaniya, naging ganoon ang ayos ko hanggang sa dumating ang prof namin at nagsimula na ang klase.

Taimtim akong nakinig sa prof namin, trying to put every words he uttered inside my head even though my mind is inactive right now. My mind was busy thinking about Kroiwen and his behaviour when I remembered that night once again.

Hindi ako kumbinsido sa sarili kong naisip na pagod ito at gusto nang magpahinga kaya ganoon siya sa akin makitungo. Ilang beses ko na siyang nakasama habang pagod pero hindi ako nakaramdam ng panlalamig sa kaniya kahit minsan... Hindi ako nakaramdam na parang may mali, ni minsan hindi niya ako hinayaang makaalis ng hindi nagpapaalam sa akin at hindi man lang bumabaling... ngayon lang ito nangyari... kagabi lang.

"...according to Chinese medicine, a needle may save life in case of stroke. When someone gets stroke, the capillaries of the brain tear and fast reaction is crucial to save the patient's life and prevent greater damage in the future..."

Bumuntonghininga ako tsaka pinilit ang sarili na makinig at isaulo ang sinasabi ng prof namin. Pagkatapos ng minor subject ko ay nabigyan ako ng ilang minuto bago mag-umpisa ang isang sa major subject ko. Hectic ang schedule ko ngayong araw pero impit kong pinagdarasal na sana hindi ako ganoon ka-drain para makausap ko pa si Kroiwen at maibigay ko ang regalo ko para sa kaniya.

Nang matapos ang ilang minutong break ay pumasok ako sa room namin, hawak ko ang cellphone at iyon ang tinitigan ko buong break sa pag-aakalang may matatanggap akong mensahe kay Kroiwen. Hindi ko alam kung nabasa na ba nito ang mensahe na ipinadala ko kaninang umaga o hindi pa, o kaya naman ay sadiyang abala siya sa pag-aaral kaya hindi niya napansin ang mensahe ko.

Though, I'm okay with that, magkikita naman kami mamaya kaya hindi ganoon ka big deal na hindi niya nabasa ang mensahe ko... ayos pa nga sa akin na abala ito sa pag-aaral kaysa sa palihim akong re-replyan at hindi na makikinig sa prof niya.

Dalawang oras ang tinagal ng subject kong iyon, medyo masakit ang ulo ko dahil sa kulang ang tulog at pagpilit na ipasok lahat ng sinasabi ng prof namin sa utak ko, pakiramdam ko nga ay wala akong naintindihan at kahit isang salita ay walang tumagal sa isip ko.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now