Kabanata 46

22 2 0
                                    

Kabanata 46

"Kuya Mykel that's enough please!" maluha-luha kong pagbabawal at pagpapatigil sa kanila.

Galit na galit si Kuya Mykel habang nasa ibabaw ng isang lalaki na kasama no'ng nambastos sa akin kanina. Hindi nito mapigilan ang galit kaya kahit puno na ng dugo ang mukha no'ng lalaki ay hindi pa rin ito tumigil.

Ilang oras kaming nagtagal dito, nag-iinuman at kuwentuhan nang magdesisyong sumayaw ang iba sa mga kasama namin. Hindi ako uminom maski isang patak ng alak, hindi na nagawa dahil na-distract ako ng bulungan ako ni Kroiwen kanina.

He said it's bad for the health pero nakailang baso na siya ng nainom.

What a traitor.

Balak ko sanang umihi, gusto kong magpasama sa mga kasama ko pero abala sila sa pagsasayaw. Si Kuya Mykel at Kroiwen ay umalis para magbanyo habang si Kaius naman ay may kinausap sa kaniyang cellphone kaya lumabas ito.

Naiwan ako sa table namin ng mag-isa. I planned to wait someone para sana magpasama pero hindi ko na mapigilan dahil puputok na talaga ang pantog ko, I can't wait any longer kaya agad kong tinahak ang daan na sinabi ng isang babae na pinagtanungan ko kanina kung nasaan ang restroom nitong bar.

Pabalik na ako sa table namin nang bigla akong lapitan ng dalawang lalaki at pilit na hinahawakan ang kamay ko at pinipilit ako na ibigay ang numero ko sa kanila, I turned them down. I was expecting them to stop but they didn't, they tried to drag me but that was the moment when Kroiwen and Kuya Mykel saw me.

And...

Things happened.

"So what are you trying to say?! You want me to stood still at panoorin na lang sila?! Gusto mo lang akong tumayo rito habang ang mga gagong 'yan minamaniyak ang taong mahal ko?! Is that it, huh?!"

Napatingin ako kay Kroiwen habang hawak-hawak ni Finn at Regan ang dalawang braso nito. Sinusubukan nitong kumawala pero walang balak ang dalawa na hayaan siyang makawala para maisagawa ang plano nito sa mga lalaki na nambastos sa akin.

Samantalang si Dewei ay pilit na pinapatigil si Kuya Mykel, dumalo si Kaius sa kaniya nang makapasok at makita ang sitwasyon namin. Nagtatanong ang tingin nito pero nagpatuloy pa rin sa pagpigil kay Kuya Mykel.

"How dare you laid your dirty hands on my sister?!" Kuya Mykel roared. Nagtagumpay sila Dewei at Kaius na mailayo si Kuya Mykel sa lalaking nawalan na yata ng malay.

"Kuya, please, tama na." paki-usap ko pero parang wala itong naririnig. Madalim at nakakapatay pa rin ang titig nito sa taong sigurado akong wala na talagang malay.

He's not moving anymore. But he's breathing still, giving me a relief.

Nasa tabi ko si KC at Rosa, samantalang si Dawn ay hindi ko mahanap.

"Let me go! Iisa lang ako! Fuck! Paisa lang!" napalingon ulit ako sa gawi nila Kroiwen.

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko. Pare-pareho silang may alak na sa sistema, ganoon na rin ang dalawang lalaki na nambastos sa akin.

"So this is your girl, huh? Bago kita hahayang makaisa sa akin, paisa muna sa kaniya." then the disgusting guy looked at me.

Nandiri ako dahil sa narinig. Ang kasama ng lalaking nakahandusay sa semento ay hawak-hawak na ngayon ng dalawang bouncer.

Our situation was worse and the two guys on our side were hard to tame. They were like a bomb ready to explode themselves on the other two guys faces, even the bouncers had a hard time separating both sides. Ayaw nilang paawat, lalo na si Kuya Mykel at Kroiwen.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now