Kabanata 04

23 5 4
                                    

Kabanata 04

ALAS DOSE pa lang ay tapos ko na ang nakatokang gawain ko para sa araw na ito. Isang bagay na lang ang gagawin ko, pero mamaya na iyon.

Hindi na ako kumain ng lunch bago umpisahan ang trabaho ko, or should I say, ang punishment ko. Maaga din akong lumabas ng room namin para dito, para lang matapos na ito kaagad para mapuntahan ko siya mamayang hapon.

"Iba nanaman?" tanong ko sa sarili ko ng mapatingin sa kaliwang bahagi ko. There, I saw the three, kasama si Beverley na girlfriend ni Finn. Iyong babae na hindi ko alam ang pangalan at wala akong balak na malaman, pero, iba nanaman ang kasama nitong si Regan. At si Dewei, na busangot ang mukha.

Natawa ako.

Mas lalong bumusangot ang mukha niya ng makita akong tumatawa habang nakatingin sa kaniya.

Tang ina! Parang mukha ng kambing pag nagtatampo.

"What's with the face." bungad ko nang makarating sila sa kinatatayuan ko.

"Sapakan na lang, oh!" hamon sa akin ni Dewei, mas lalo akong natawa.

"Tang inang mukha 'yan."

Nagtawanan kami.

"Anong nagustuhan mo kay Finn?" bumaling ako kay Beverley na nakikitawa rin sa amin.

She's pretty, pero wala ng mas gaganda sa mahal ko. Matalino, ganoon din naman si Condessa. Mabait, well, mabait si Condessa, but there's exception and that's me.

Hindi ko alam kung anong nakain ni Condessa at grabe ang pagkainis niya sa akin. Parang laging may dalaw.

Kwento sa akin ni Dewei, matagal nang magkakilala si Finn at si Beverly. Sa tingin ko magmula noong nasa primary sila. And they became official when they were in their eight grade.

"H-Ha?"

"Anong mahika ang ginamit mo dito?" baling ko kay Finn na tahimik lang.

Pasimple niyang tinuro ang kabuuan niya at ngumiti sa akin. Tiningnan niya ang kabuuan ko tsaka nakangising umiling. Masama ko siyang tiningnan.

"Bakit bro, gagamitin mo ba kay Pres?" si Dewei.

Bumaling ako kay Regan at hindi pinansin si Dewei. Palihim akong natawa nang marinig ko siyang napamura.

"Eh, ikaw?"

"Oh, anong ako?"

"Bakit hindi ka makontento?" natatawa kong tanong. Malakas akong natawa dahil sumama ang itsura niya. Dewei laughed his ass out, too, with me, habang si Finn at Eve ay may sarili ng mundo.

Hindi na namin sinusubukang manggulo pa sa dalawa kapag dumarating ang oras na gan'to. 'Pag nagkaroon na sila ng sariling mundo at pakiramdam nila ay sila na lang ang natitirang nilalang, kaming tatlo na lang nila Dewei at Regan ang bubuo ng sarili naming mundo.

Kaya kahit ayaw naming tatlo na mag-usap, kailangan, we have to, we rather talk about some out of this world subject than to hear Finn's melodious voice.

Baka hindi namin kayanin.

Natahimik kami ng ilang segundo hanggang sa mag-salita si Dewei.

"Ah, I remember something." napalingon kaming lahat sa kaniya. Itinabi ko muna ang walis at dust pan na hawak ko tsaka humarap ulit sa kaniya para makinig.

Lumipas ang ilang minuto pero nanatili siyang tahimik.

"Ano?" he asked us. Tiningnan ko siya ng masama.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now