Kabanata 11

13 3 0
                                    

Kabanata 11

MASAMA ANG tingin ko sa kaniya habang nakaupo kami kasama ang mga kaibigan niya sa loob ng cafeteria, pinagtitinginan na rin kami ngayon ng ibang mga estudyante dahil sa magkahawak naming mga kamay. Hinila ko pailalim ang kamay namin para maitago pero ang gago ay binalik ito sa dating pwesto.

Dalawa lang kami ni Kroiwen sa isang upuan, habang sa right side ko ay ang girlfriend ni Finn na si Beverly, kaharap naman ni Beverly si Dewei na nakapwesto sa left side ni Kroiwen. Habang kaharap naman namin si Regan at Finn.

Bumuntonghininga ako, bakit ba nasa ganitong sitwasyon ako?

Maganda ang naging komento ni Mr. Cabautan sa naging performance namin, tho I can't even smile when he complimented us, I feel betrayed dahil may naisama sa performance namin na wala naman sa practice. And I'm irritated as hell, because of my situation right now.

Gusto kong pumatay ng tao!

I want to kill Kroiwen, but I remember he's not any longer human, demonyo 'yan! Demonyo!

"Kain na..." si Regan, nagsimula silang kumain habang ako ay nakamasid lang kay Kroiwen na hirap sa pagsubo ng pagkain dahil gamit niya ang left hand niya.

Napagawi nanaman ang tingin ko sa kamay naming dalawa, gusto kong umiyak pero alam kong wala iyong patutunguhan.

Bumaling sa gawi ko si Kroiwen at binitawan ang kutsarang hawak, hindi ako lumingon sa kaniya pero kita ko sa gilid ng mata ko ang titig niya.

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagakin mo?" tanong nito.

Huminga ako ng malalim at sinusubukang pakalmahina ang damdamin dahil sa inis, sobra rin ang pagpipigil kong huwag hablutin ang tinidor na nasa harap ko at basta na lang iyong itusok sa katawan ni Kroiwen! Bumuntonghininga ako bago nagsalita.

"Hindi ako sumama sayo para kumain. Sumama ako sayo dahil nangako kang tatanggalin mo 'to!" inis kong sabi sabay taas sa kamay namin.

Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Dewei, lihim ding napangiti si Regan at Finn samantalang si Beverly naman ay tumikhim.

"Hindi ko ito tatanggalin hanggang hindi ka kumakain." Kroiwen said in finality.

Bahagya akong natawa bago nagseryoso, hindi nakatakas sa paningin ko ang paglunok ni Dewei habang nakatingin sa akin pero wala sa kaniya ang atensiyon ko. "Now your blackmailing me, huh?" I said in a playful tone.

Naaawa lang ako sa sasapitin ng kamay ko kung pipilitin kong alisin ito sa pagkakadikit nang kamay naming dalawa. I have part-time job, siguradong hindi ako makakatulong sa kanila kung mahapdi at sugat-sugat ang kamay ko.

Bwiset kasi!

"It's not blackmailing, concern lang ako..." aniya.

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya, parang gusto ko na lang sumuka dahil sa salitang ginamit nito. 'Concern' huh! Big word! "Concern? You? Concern? Nah, don't play with me. Kung concern ka sa akin, dapat in the first place wala ako sa lagay na ito!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo, tiningala ako ng mga kasama namin sa mesa pati na rin ni Kroiwen "I changed my mind, tanggalin muna natin ito bago ka kumain." sabi ko sabay lakad.

"W-Wait! One last bite! Condessa! Just, j-just one last bite!"

Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga estudyante sa loob ng cafeteria, pilit kong hinihila ang kamay ko sa kaniya ng may pag-iingat habang siya ay abala sa pag-subo ng pagkain kahit ang isinusubo niya ay natatapon lang din naman.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now