Kabanata 02

28 5 0
                                    

Kabanata 02

DALAWANG ARAW na ang lumipas ng mangyari ang patong-patong na kahihiyan sa buhay ko.

Dalawang araw na ring naglilinis ang apat sa buong campus, lalong lalo na sa restroom ng mga lalaki.

That's their punishment for entering ladies restroom. Iyon ang naging desisyon namin ng mga SSG officials.

Dapat nga mas mabigat pa ang maibibigay na kaparusahan sa kanilang apat, pero mas pinili naming h'wag na lang. I mean, pinili nilang h'wag na lang.

"Kawawa naman sila."

Tumango ang ilang kasama ko sa sinabi ng secretary. I rolled my eyes.

May gusto ka lang kay gago e.

"A little punishment will do. At least, they will pay for their wrong actions."

"Agree."

"Me too."

"It was their first offence after all."

Madali ninyong sabihin 'yan dahil hindi kayo ang nakitaan ng katawan. Hindi kayo ang araw araw na nabu-bwiset ni Kroiwen!

Hindi ako sumabat sa usapan nila. Nanatili akong tahimik at nakamasid sa kanilang lahat, pinapakinggan ang bawat mungkahi at mga nais nila para sa parusa ng apat.

When I asked them why the four of them were in the ladies restroom, what were they doing there, and why the hell their asses were there.

They answered me but their answer were not enough reason to just a man like them freely roaming and entering an ladies restroom.

Masiyadong mababaw ang dahilan nila. Hindi katanggap-tanggap.

Natapos ang pagpupulong namin, the four of them were given a mild punishment, at pagkatapos ng isang linggo, makakalaya na sila.

Pinagmasdan ko sila habang nagtatalo si Dewei Villarreal at Regan Forbes dahil sa hawak na dust pan at walis. Si Finn Malvarez ay abala sa pagdidilig ng mga halaman sa tapat ng cafeteria, while Kroiwen, nakatingin sa akin ngayon, habang hawak-hawak ang isang trash bin at isang sako.

Hinihiwalay niya ang papel at plastic kanina, pero ngayon tumigil siya at ako nanaman ang napagdiskitahan.

Ayon sa mga estudyante sa paaralang ito ay madalas ng makitang magkakasama ang apat. Parang kailan lang na ang bawat isa sa kanila ay diring-diri makasama ang bawat isa.

Halos isampal nila sa mukha ko na hindi sila magkakaibigan. But look at them now. Bumuntonghininga ako, kawawa naman si Finn.

I showed Kroiwen my puppy look and then I smirked. Makikita sa labi niya ang multong ngiti, inihipan ko ang takas na buhok na tumatakip sa mukha ko bago siya inirapan at naglakad na sa hallway papunta sa room namin.

Mabilis natapos ang klase. Lunch break na ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo tsaka isa-isang inayos ang mga gamit ko sa mesa.

Balak kong hindi mag lunch ngayon, marami ang naghihintay na gawain sa akin sa SSG office. A one or two pieces of sandwiche will do. And a bottled of water.

Problem solved.

Hindi na ako nag-abala na dumaan sa cafeteria para bumili, dumeretso ako agad sa SSG office, sigurado akong may bibili isa sa mga kasamahan ko mamaya.

Magpapabili na lang ako.

Binuksan ko ang pinto ng office. Bumungad sa akin ang magulong opisina. Marami ang nagkalat na papel sa sahig, madami ring mga folders sa kaniya kaniya naming mesa.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now