Kabanata 26

9 3 0
                                    

Kabanata 26

Nagpalit ako bago lumabas ng locker room namin. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin, medyo namumutla ako at halata ang pagod sa mga mata pero kaya ko pa naman. I smiled at my reflection at pinasadahan ulit ng isang tingin ang sarili bago nakontento sa ayos at lumabas na.

Nang makita ako ni Eve ay agad siyang lumapit at pinulupot ang kaniyang kamay sa aking braso.

"Tara?" tanong ko sa kay Eve at sa dalawang lalaking tahimik lang na nanunuod sa amin ni Eve, o sa akin lang sila nakatingin?

Nakaupo ang mga ito sa bakanteng upuan at pareho pang naka-cross leg.

They stood up, inayos ni Kroiwen ang parte ng uniporme nito na nagusot dahil sa panandaliang pag-upo, habang si Kaius naman ay hindi na nag-abalang ayusin pa ang damit nito, isinukbit na lang niya ng maayos ang dalang bag sa pagkakasabit sa kanang balikat nito. Upon doing their thing, they both looked at me and they answered me in unison.

"Tara..."

"Let's go."

Nagkatinginan ang dalawa. Kaius smiled but Kroiwen frowned.

Hinila ako ni Eve palabas ng cafe. Kanina pa nakaalis ang iba naming kasama kaya kami na ang nagbantay pansamantala at hinintay ang susunod sa amin.

"Matutulog ako sa inyo." bulong sa akin ni Eve.

Napatingin ako sa kaniya, "dalhin mo na kaya lahat ng gamit mo sa bahay, 'no?" I said sarcastically. She pouted. I sighed before nodding at her. Ngumiti naman siya ng matamis bago ako hilain at nagsimula kaming maglakad sa paradahan ng dyip.

Magsimula ng mapalapit at naging magkaibigan kami ni Eve ay lagi siyang dumadayo sa bahay, hindi para makita ako kundi para masilayan at masubaybayan ang kapatid ko na si Stan. That's what she said.

She said that my brother was kinda hot. Ang pag-iisip niyang iyon ay hindi alam ni Finn, siguradong pag-aawayan nanaman nila ito kung sakaling malaman ni Finn na ang girlfriend niya ay nahuhumaling sa mas bata sa kaniya.

Though I don't think Eve is serious about it, siguro tuwing nasa bahay ito ay naaaliw lang siya sa kapatid ko dahil wala itong kapatid. Nag-iisa itong anak. Madalas wala ang Daddy nito kaya lagi siyang naiiwang mag-isa kasama ang mga kasam-bahay nila sa bahay nila.

"Condessa, wait up!"

Sumabay sa paglalakad namin ang dalawang lalaki. Katabi ko sa left side si Kroiwen na deretsong nakatingin sa daan. Si Eve ay nakakapit sa right arm ko na katabi naman si Kaius na nakatingin sa akin bago ngumiti.

I smiled back at him.

Kroiwen's cleared his throat kaya ako napatingin sa kaniya, kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Kroiwen. Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti pero hindi ko iyon sinuklian.

"Ano pala ang ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Magkaiba kami ng lupa na kinatitirakan ng bahay kaya nagtataka ako kung bakit siya sumasabay sa amin ngayon.

He should go in the opposite, at tsaka, bakit ba siya nag-ko-commute gayong may sarili naman siyang sasakiyan?

Lumunok siya tsaka bumaling sa iba, "w-walang kasama si Eve na uuwi mamaya, ibinilin siya sa akin ni Finn— "

"Hindi na kailangan, Wren. Sa kanila ako matutulog ngayong gabi." singit ni Eve sa usapan namin.

"Sa kanila ka matutulog?" nagtatakang tanong ni Kroiwen dito. Eve nodded her head.

Tumingin sa akin si Kroiwen, "then doon na rin ako matutulog sa inyo!" anito.

"Ano?!"

"U-Uhm, you know, ibinilin sa akin ni Finn si Eve at tsaka gusto kong kumain ng luto ni Mama ngayon, I missed her dish." anito tsaka tumango-tango. Like he was trying to pleased and accredits his own words.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now