Kabanata 35

4 3 0
                                    

Kabanata 35


Sinundo kami ni Kroiwen kinabukasan. Sumabay na rin sa amin si Eve since doon siya sa amin natulog.

We're graduating!

Nakaupo ako sa front seat at nasa likod naman sina Mama, Stan at Eve.

Pagkatapos ng graduation ceremony mamaya ay dederetso kami sa Cafe dahil may throw party sa amin sila Kuya Mykel at Ms. Ancheta.

Excited na ako!

Pagkarating namin sa campus ay pinagbuksan ako ng pinto ni Kroiwen, I smiled at him when our eyes met. Inalalayan niya ako sa pagbaba, sila Mama ay nasa tabi habang pinapanood kaming dalawa kaya hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko lalo na ng makita ko ang Mommy ni Kroiwen na nakangiting nakatingin sa amin.

I'm wearing a white fitted dress na above the knee tsaka ko pinaresan ng heels na binigay sa akin noon ni Kroiwen noong prom night.

Malaki ang ngiti ng Mommy ni Kroiwen sa akin, she opened her arms wide and hugged me.

"Hi Tita..." bati ko sa kaniya ng pakawalan ako sa kaniyang pagkakayakap.

"Hello, sweetie, you're beautiful as always." anito habang pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan.

Nahihiya akong ngumiti. "Salamat po, Tita."

"Mommy, this is Mama—I mean, this is Condessa's mother," tinuro nito si Mama na nakangiting nakatingin sa Mommy ni Kroiwen. "This is Condessa's little brother, Stan, and Eve, Finn's girlfriend." Bumati sila Mama pabalik. Tumingin ako sa lalaking katabi ng Mommy ni Kroiwen, sa pagkakataong ito, sigurado ako na ito ang Daddy niya, they have the same features. Ngumiti ito sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

"Hi hija... so you're Condessa? It's nice to finally meet you hija." nakangiting bati niya.

"Hello, po." nahihiya kong bati pabalik.

This is my first time to meet his father, the last time was I only met his mother, at noong nakaraang buwan ko lang din nalaman na may nakatatandang kapatid pala si Kroiwen. And that Khalil.

Kroiwen looks like his father, while Khalil, he got his features to their mother, kaya hindi ko agad nahalata na magkapatid ang dalawang ito.

"Congratulations, brother!" napalingon ako sa lalaking nakasuot ng puting long sleeves. Ang black coat nito ay nakasampay sa braso niya. Mas lalong lumaki ang ngiti nito ng makita ako sa tabi ng kapatid niya. Oh, speaking of the devil.

"Sabi na e, makikita kita ngayong araw, baby girl." anito nang tuluyang makarating sa kinaroroonan namin.

Kroiwen held my elbow and place me at his back. It's like his protecting me from someone. Palihim akong tumawa ng mapansin ang banas na mukha ni Kroiwen habang nakatingin sa kapatid niya.

"Bakit niyo sinama si Kuya, Mom?" parang nagmamaktol na tanong ni Kroiwen sa magulang.

"Gusto ka niyang makita, at sabi niya na gusto rin niyang makita iyong babaeng gusto niya." anito. "Dito ba siya nag-aaral anak?" baling nito kay Khalil na nakatingin sa akin. Ngumiti muna ito bago nilingon ang ina.

He nodded, "Yes, Mom."

"I want to meet her, sweetie." excited na turan ng Mommy nila.

Mas lalong hindi mapinta ang mukha ni Kroiwen. Umalis ako sa likod nito at pumunta kila Mama. Ilang minuto ang pinalampas namin bago nagdesisyong pumasok na sa loob.

"Naipakilala ka na pala sa parents, ha?" mapanuyang tanong sa akin ni Eve.

"Shut up!" pagbabawal ko sa kaniya. "Sa Mommy lang noong una." bawi ko. Nagtawanan kaming dalawa.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now