Kabanata 17

19 3 0
                                    

Kabanata 17


"Anong ginagawa mo dito?!" malakas na sigaw ko habang kunot ang noo na nakatingin sa kaniya. He didn't answer me, nakatingin lang siya sa akin habang mababakas ang lokong ngiti sa pangit niyang pagmumukha.

"Is that your way for welcoming your beloved big brother?" aniya habang umaaktong nasasaktan.

Lihim akong napamura, "Kilabutan ka nga! Dapat 'di ka na lang umuwi!"

"Bakit? You still see me as a threat?" aniya sa nang-uuyam na tono, kinunutan ko siya ng noo dahilan para tumawa siya ng malakas.

"Back off, Khalil!"

Imbes na magalit dahil tinawag ko siya sa mismong pangalan niya ay tinawanan lang niya ako at mababakas sa mukha nito ang pagkagusto sa pangyayamot sa akin. He's enjoying every second of this!

"Let me tell you a secret, 'lil  brother..." aniya, he step his feet backward before facing me. He looked at me in the eye straightly.

Base sa itsura niya ay alam kong hindi ko magugustuhan kung ano man ang naglalarong salita sa utak niya.

Bakit pa kasi umuwi-uwi 'to?!

Si Khalil ay nakatatanda kong kapatid. He's studying abroad kung saan naka-migrate ang lolo at lola namin, our grandparents want me to continue my study their like Khalil but I refused, mas gusto ko dito dahil nakasanayan na at sa dahilang 'andito ang taong gusto ko. I don't know the reason why kung bakit siya umuwi ng walang pasabi kila mommy, pero isa lang ang ayaw ko, ayaw kong nandito siya!

Ngumisi siya sa akin, "I'm curious about her, still. I met her earlier, and she's still the same, no, mas gumanda siya..."

Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa sinabi niyang nakita niya si Condessa kanina, ayokong dagdagan pa ang malaking ngisi ni Khalil sa mukha niya kaya kahit malaki ang katanungan sa isip ko kung pa'no niya nakita si Condessa ay pinanatili ko ang walang ekspresiyon na mukha.

"Stop," wika ko at mababakas sa tono ko ang pagbabanta.

Sa halip na matakot dahil sa pagbabanta na mahihimigan sa boses ko ay mas lalo siyang napangiti.

I wanted so bad to ripped that fucking face of his, I wanted to punch that face para mawala na ang ngisi sa mukha niya.

"Kahit sa paglipas ng taon na hindi ko siya nakita, I still want to know her better."

Pinaningkitan ko siya ng mata. My blood started to boil. "I said stop!" malakas na sigaw ko pero hindi siya nakinig, nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita na mas lalong nagpairita sa akin.

Seryoso niya akong tiningnan "Wren, I think I like her..." aniya sa seryosong tono. Hindi na mababakas sa boses niya ang panloloko, hindi na rin siya nakangiti o nakangisi sa akin ngayon. He said that in front of me without blinking and stuttering a word, it seems so true and genuine but I don't give a fuck.

"Fuck you, Khalil! Fuck you!" malakas na sigaw ko at umambang hahabulin siya pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay nakalabas na siya sa kwarto ko.

"Fuck you, brother!"

NATAPOS ANG araw na ito. Nakasama namin si Miss Ancheta kanina pero hindi ito nagtagal dahil may kailangan pa raw siyang ayusin. Ngayong araw nakuha ko ang unang sweldo ko, I'm happy, ang pagpupuyat at paghihirap ko para sa pagtatrabaho it's all worth it, kahit sabihing una pa lang ito, but I'm still happy.

"Kilala mo ba 'yong customer natin kanina?" tanong sa akin ni KC, I sipped on my coffee before glancing at her.

"Sino?" tanong ko at isinubo ang panghuling carrot cake na nasa platito ko.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now