Kabanata 09

15 3 0
                                    

Kabanata 09

NAGTATAKA AKONG tumitig sa kaniya. Nanatili itong may ngiti habang nakatingin sa aming dalawa ni Kroiwen na nanatili sa harap. Ang mga kaklase namin ay sumasabay sa pang-bubuyo ni Ma'am sa bagay na wala naman akong kaalam-alam.

"P-Po?" I asked.

"Belong po kasi sila sa isa't-isa, prof..." sigaw ng isa kong kaklase, kasunod nito ang pagbato ng mga biro sa aming dalawa ni Kroiwen. Hindi ko magawang ngumiti dahil wala naman akong alam tungkol sa pinag-uusapan nila at ang katotohanang hindi ko gusto tuwing inaasar kaming dalawa ni Kroiwen na kesyo bagay daw kami o ano pa man.

Hindi ko masikmuraan.

Mas lalong kumunot ang noo ko, wala akong maintindihan! What are they talking about, really? The hell! I'm confused!

Tumingin ako kay Kroiwen na nakangiting nakatingin sa akin. Masaya ang mga mata nitong tutok sa akin at kakaiba ang pag-ngiti niya sa akin ngayon. Para siyang nanalo sa loto o ano.

"What?!" singhal ko sa kaniya pero tulad ng nakasanayan nito ay nanatili ang ngiti niya bago umiling.

Kinapa ko ang mukha ko, there's nothing wrong with my face, right? Kung meron man dapat pinuna na ito ni Kaius at agad na pinaalan sa akin kanina. My hair? Nah, they're fine.

Pasimple kong tinapunan ng tingin ang kabuuan ko. Wala naman akong makitang dumi, wala namang kakaiba sa tingin ko. Kinapa ko ang uniform ko mula sa harap hanggang sa likod. Dahan-dahan kong iginapang ang kamay ko papataas at kumunot ang noo ko ng may masagi ang kamay ko.

What's this?

Hinila ko ang papel na nakadikit sa likod ng uniform ko tsaka agad binasa ang nakasulat doon.

'I'm belong to him'

Iyan ang nakasulat gamit ang black marker at base sa structure ng salita, it is a hand written. May arrow na nagtuturo sa right side. Kung nakadikit ito sa damit ko at nakatalikod ako, ang arrow nito ay nakaturo sa left side ko, therefore, sinundan ko ito ng tingin at napadako ang tingin ko kay Kroiwen.

Nagtama ang tingin namin, he smiled tsaka dahan-dahan siyang tumalikod. May papel ding nakadikit sa likod nito. Parehong may arrow na tumuturo sa akin pero magkaiba lang ng nakasulat.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa kung ano ang nakalagay sa likod niya. Humarap siya sa akin at ngumiti ulit.

"You're belong to me."

I crumpled the paper and I throw it at him. Pinag-krus niya ang kaniyang braso sa kaniyang mukha para hindi tumama ang papel doon. Masama ko siyang tiningnan ng ibaba niya ng kaonti ang naka-krus niyang mga kamay para silipin ako.

Napaka-walang hiya talaga!

'Shit. You' I mouthed.

"I love you, too." he shamelessly said and the next thing I knew, the whole class was in mess.

Pati ang prof namin ay nakisali na sa pagbuyo sa aming dalawa. Napa-face palm ako ng wala sa oras.

This is irritating!

"TAPOS NA kayo?" tanong ko sa tatlo na abala sa mga girlfriend nila, maliban kay Dewei na abala sa paggawa ng paper plane.

Pasimple nila akong tinapunan ng tingin bago umiling.

"Mamaya na akong hapon." tamad na sabi si Dewei at nagpatuloy sa pagpapalipad ng nagawang eroplanong papel.

"Almost." si Regan at nagpatuloy din agad sa pakikipaglampungan sa bago niya. Hindi tulad ng dati ang kasama ngayon ni Regan, kung dati ay mas matanda sa kaniya o kaya naman ay ka-edad lang niya, ngayon ay mukhang bata. Mas bata kaysa sa amin.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now