Kabanata 10

17 3 0
                                    

Kabanata 10

"So you work here, huh?" baling ko sa kaniya.

Napakamot ito sa batok tsaka tumingin sa akin. "Yeah..." aniya, pinunasan niya ang nagamit na mesa habang ako ay nilinis ang mga kalat doon. Lumipat ako sa kabilang mesa at ginawa rin doon ang ginawa ko sa iba pang mga mesa.

Ako ang kumukuha sa mga ginamit ng mga customer, habang si Kaius naman ay taga-linis ng mesa.

Tulad ng sinabi ni Ms. Ancheta kanina ay madami nga ang napapagawing customer dito. Tatlong oras na kaming abala at wala pa kaming hinto.

Nang matapos sa nakatokang gawain ay pumasok ako sa mini kitchen ng cafe, naroon si KC na abala sa paghuhugas ng mga basong ginamit.

"Tulungan na kita..." wika ko nang mailapag ang mga panibagong mga baso at mga platito.

"Salamat..." aniya.

Tinulungan ko si KC sa paghuhugas, ang mga kasama naman namin ay naging mas abala dahil parami nang parami ang mga customer na pumapasok kasabay ng pagtakbo ng oras.

Kasama na ni Kuya Mykel si Rosa sa counter, habang mag-isa naman si Kaius sa paghahatid ng mga orders. Nalaman ko kay KC na si Kuya Mykel ang pinakamatanda sa amin, he's twenty-two, habang kaming natitira ay nasa edad seventeen to nineteen.

From time to time ay sumisilip ako upang tingnan ang kalagayan ni Kaius at kung may bago bang hugasin para sana maisama ko na rito at may magagamit agad.

Nagpaalam si KC na maglalabas ng mga basura, tumango ako tsaka ipinagpatuloy ang paghuhugas. Ilang minuto akong mag-isa do'n hanggang sa bumukas ang pinto ng mini kitchen.

"Ayos na ako dito, KC. Just help the others outside." I said without glancing at her.

Napatingin ako sa kamay nito ng ilapag niya sa sink ang panibagong hugasin. Napagtanto kong hindi si KC ang pumasok dahil kamay ng isang lalaki ang nakita ko, nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Kaius na nakatitig sa akin.

I cleared my throat.

Tumikhim siya bago nag-iwas ng tingin.

"Ahm, ako na diyan..." wika ko, akmang kukunin ko na ang mga baso sa sink nang maunahan niya ako.

"Ako na..." aniya.

"No, ako na, pa'no 'yong-"

"KC already working on that, nabawasan na rin ang mga customer, you can rest now." he said without glancing at me.

"Ayaw ko." I said, bumaling siya sa akin.

"Huh?"

Umiling ako, "Ayokong magpahinga 'gayong nagta-trabaho pa kayo, that would be unfair, tsaka, I came here to work." sabi ko sabay tabi sa kaniya, "so," he take a few step to give me space, kumuha ako ng nasabon na niyang baso tsaka ito binanlawan, "tutulong ako." baling ko sa kaniya tsaka ngumiti.

Nakatitig naman siya sa akin. Matagal niya akong tinitigan bago winisikan ng tubig sa mukha, napapikit ako, narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

Makalipas ang ilang oras ay malapit nang matapos ang shift ko, tulad ng pinangako ni Kuya Mykel sa akin at sa iba pa ay iginawa niya nga kami ng kape.

Mangha akong napatingin sa kaniya nang malasahan ang kapeng ginawa niya para sa akin. Natatawa naman siyang tumingin din sa akin.

I give him a two thumbs up, "Masarap!"

Ilang minuto kaming nagkwentuhan at nagpalagayan ng loob. Masaya silang kasama, hindi ka maboboring at maa-out of place.

Matagal nang panahon na hindi ko naranasan na makipag-kwentuhan ng ganito. Siguro dahil abala ako sa pag-aaral at ang katotohanang inilalayo ko ang sarili ko sa lahat - lalo na sa mga lalaki.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now