Kabanata 15

17 3 0
                                    

Kabanata 15

Tahimik akong nakikinig sa guro namin, minsan ay pasimple akong tititig sa likod ni Condessa na abala rin sa pakikinig.

We were two chairs away from each other, mabuti na lang at tabingi umupo ang dalawang kaklase namin na nasa pagitan naming dalawa ni Condessa kaya malaya kong napagmamasdan ang mga galaw niya.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon ng magbigay ng isang group work ang prof namin sa Health.

Matamlay akong tumayo at pumunta sa group three kung saan ako kabilang.

"Oh 'yong mga group two diyan, dito na, dalawa pa, dalawa..."

"Dito na lang po 'yong pamasahe niyo..."

"Ano ka?"

"Tao!"

Napatingin ako sa mga taong makakasama ko para sa gawaing ito, agad na nabuhayan ang sistema ko ng malaman kung sino ang makakasama. Napasulyap ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Condessa, dali-dali akong umupo roon ng balak akong agawan ng isa kong kaklaseng babae, pinaningkitan ko siya ng mata habang siya ay natatawa lang habang umiiling.

I cleared my throat when our eyes meet, nag-iwas ng tingin si Condessa at inabala ang sarili sa pakikinig sa Health prof namin.

"As a group, I wanted you to make a slogan showing about mental health." ani ng prof namin bago nagpaalam at lumabas.

"I have an idea but I'm not good at drawing..." wika ni Condessa. Napatingin ako sa kaniya habang may ginuguhit sa kaniyang kuwaderno pero binura rin iyon agad.

"Palaka?" kunot noong tanong ko.

Bumaling sa akin si Condessa na nanlalaki ang mga mata. "A-Anong palaka?!"

Tumingi-tingin ako sa mga kasama ko na tahimik lang na nakamasid sa amin, pasimple ako na lumunok bago binalik ang tingin kay Condessa na nanlalaki pa rin ang mga mata, I tried to smile but it turned out like I'm wincing.

"The one that you just draw seconds ago, ito..." I said and pointed her erased drawing.

Masama niya akong tiningnan, "Tao 'yon, Kroiwen! Tao!"

"Ahh..." tumango-tango ako, "T-Tao... M-Maganda," nakangiwing wika ko.

Umirap siya habang may multong ngiti sa labi, or am I just imagining things?

"Tulad ng sinabi ko, hindi ako marunong mag-drawing, just look when I tried to draw a human it turns out into a frog,  instead to a human..." aniya bago bahagiyang sumulyap sa akin.

"Mukha naman kasing palaka..." I whispered.

Hindi niya iyon narinig, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita at pag-e-explain ng idea niya.

"Can you tell me your idea?"

Sumulyap siya sa gawi ko, she stopped talking and she faced me, "Sinasabi ko rin naman iyong idea ko sayo."

"No, what I mean is-"

"Gusto ka niyang ma-solo,"

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now