Kabanata 25

8 3 0
                                    

Kabanata 25


Napatango-tango ako sa naging sagot niya sa inamin ko sa kaniya. I accepted her words even though it hurts. Ramdam ko ang sakit na dulot ng mga iyon, parang bumabara ang mga iyon sa lalamunan ko at maaari akong mamatay ano mang minuto mula ngayon. Ang mga salita niya ay paulit-ulit kong naririnig sa aking ulo at sa pagdaan ng segundo ay mas lalo akong nahihirapan sa paghinga at parang pinipiga ang puso ko. Masakit.

I've been saying my feelings to her but she can't acknowledge, she don't want to acknowledge it.

Hindi ito ang unang beses na sinabi kong gusto ko siya, na mahal ko siya. Pero ito ang unang pagkakataon na ni-reject niya ako gamit ang mga salita niya mismo. Ito ang unang pagkakataon na umamin ako habang katabi siya at kami lang dalawa.

Aminin ko man o hindi, mas ramdam ko ang sakit ngayong kami lang dalawa.

"K-Kung hinihintay mo na humingi ako ng tawad dahil sa sinabi ko, wala kang mahihintay sa akin." anito at agad na nag-iwas ng tingin.

Pinilit kong ngumiti at umiling. "Hindi, ayos lang."

Hindi ko naman inaasahan na sasagot siya sa akin at sasabihing mahal din niya ako, I tried again for a hundred times saying that I love her because all I want is to let her know that my feelings is true, that I truly love her.

But I guess I need to work harder. To work more.

Para sa susunod na magtatangka akong sabihin sa kaniya na mahal ko siya ay maririnig ko na sa kaniyang labi ang matatamis na salita.

Ini-expect ko na ang ganitong rejection, pero masakit pa rin pala kapag harap-harapan kang binusted ng taong mahal mo.

I'm sorry, I don't love you.

Pain.

Pinilit ko ulit ang ngumiti sa kaniya na ngayon ay hindi maka-tingin sa akin.

Hindi ko man ngayon nakuha ang alam kong malabo pang mga salita the important is, she now can see me as a somebody, ayos na ako kahit kaibigan pa lang sa ngayon.

Friendship is better than nothing.

Inaya ko siyang bumalik na sa event. Inalalayan ko siya sa pagtayo at nagsimula kaming naglakad palabas sa hardin.

"Iyong pag-amin ko sayo kanina hindi ko inaasahan na sabihin mong mahal mo din ako. All I want is to tell you what I feel, sana, sa pakikitungo mo sa akin nothing will change."

"Ilang beses na kitang binusted, iyang pabor mo hindi na mahirap gawin 'yan." anito.

"Kailangan mo pa talagang banggitin na ilang beses mo na akong binusted, Condessa?"

"Bakit hindi ba totoo?"

"Masakit lang kasi minsan ang totoo." natatawang sabi ko. Nawala ang ngiti sa labi nito at pinakatitigan ako ng ilang segundo bago pilit na ngiti ang iginawad sa akin. Ilang segundo lang ay nagsimula ulit itong maglakad, sinabayan ko siya habang pareho kaming tahimik. Sabay kaming naglakad pabalik sa open space at walang sumubok na basagin ang katahimikan na namamagitan sa amin.

Alam kong naiilang siya dahil sa pananahimik ko at siguro ay iniisip na nito ngayon na masiyado kong dinadamdam ang rejection ko na hindi ko naman madalas gawin sa tuwing nire-reject niya ako.

I was hurt, pero kung papairalin ko ang nararamdaman ko sa mga oras na ito wala akong mapapala. Hindi pa ako hihinto, at tulad ng sinabi ko kanina, mas pag-iigihan ko pa ang pagpaparamdam at pagpapakita sa kaniya na totoo ang nararamdaman ko at walang halong biro ang mga salita ko.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now