Kabanata 08

18 3 0
                                    

Kabanata 08

I TIED MY hair up before changing my school uniform to P.E uniform.

Ikalawang araw namin ngayon sa pagpa-practise, tomorrow will be the performance. Marami pa sa amin ang hindi kabisado ang ilang step, but we're almost done, kaunting effort na lang ay matatapos na namin.

Bago ako lumabas ng comfort room ay tinitigan ko muna ang repleksyon ko sa salamin.

Thank goodness that Kroiwen was not a sinker, madali siyang maturuan at madali niyang makabisado ang mga step na ipinapakita, my only problem in him was that, our classmates won't stop teasing us, at siya, imbes na bawalan ang iba, siya pa ang mangunguna para tuksuhin kaming dalawa.

Parang tanga.

Alam ko na pagkalabas ko nang pintong ito, another tease and mock will throw at me, at mahirap nanaman silang patigilin. They will mock me and won't stop until they reach their heart's content.

Bumuntonghininga ako. Bakit ba kasi ako ang napiling pag-tripan ng Kroiwen na 'yon?

Habang papunta ako sa open field ay tanaw ko na ang mga kaklase ko. Nakaupo sila sa bleachers, at nang matanaw ako ay agad silang luminya at umayos ng tayo.

Lahat sila ay nakaharap sa mga kapareho nila, maliban sa isa. Kroiwen is looking at my direction. Both of his hands were at his back. His hair was a mess but it did suit him, still. May multong ngiti sa kaniyang labi dahilan para kumunot ang noo ko. Mukhang may pina-plano ito, at kapag siya ang nagplano, aasahan mo na hindi ito maganda.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nang makalahati ko ang pagitan naming lahat ay nagsimula siyang humakbang papunta sa direksyon ko. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa naging aksyon niya.

Nakatingin siya ng deretso sa akin, habang ang mga kamay niya ay nanatili na nakatago sa kaniyang likuran. Napalunok ako ng wala sa oras.

Ang dati na niyang magulong buhok ay mas lalong gumulo dahil sa pag-ihip ng hangin. Our classmates were eyeing on us. Tahimik lang ang mga ito pero may nga multong ngiti rin na makikita sa mga mukha nila.

Nang makarating siya sa tapat ko ay ngumiti siya sa akin ng matamis, hindi ko iyon sinuklian at nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan siya. Ang mga kaklase namin ay nakamasid lang sa amin, umiling ako tsaka sila sinenyas na mag-umpisa na.

MABILIS AKONG NAGPALIT at tumungo agad sa open space kung saan kami magpa-practice. May naisip akong bagong pakulo para kay Condessa kaya nauna na ako.

Hindi ko iniwan ang bag ko sa room. I brought it with me. Nang makarating sa open space ay inilapag ko ang bag ko tsaka ginulo ang buhok ko.

I kept on brushing my hair using my fingers in different direction. Nang makontento ay tumigil ako tsaka inilabas ang rosas na itinago ko sa bag ko.

"Hoy! Ano 'yan?" lapit ng isa kong kaklase.

Hindi ko siya sinagot pero ngumiti ako sa kaniya.

"Liligawan mo na ba si Condessa?" tanong ng isang kong kaklaseng babae. Dahil sa pagsigaw nito ay nakuha niya ang atensiyon ng iba ko pang kaklase.

I smiled. "Matagal ko nang nililigawan 'yon..." I said, they all shout in glee, "hindi nga lang siya na-inform." dugtong ko pero mukhang hindi nila ito narinig dahil sa tilian nila.

Pasimple kong inamoy ang rosas na hawak.

Hindi ko alam ang mga paborito niya, maliban sa sandwich na lagi niyang binibili sa cafeteria, hindi ko nga alam kung paborito niya ito pero dahil iyon ang lagi kong nakikitang kinakain niya, I assumed that that is one of her favourite food.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now