Kabanata 40

5 3 0
                                    

Kabanata 40


Pinagpag ko ang suot kong uniform bago pumasok ng Coffee shop. Nanggaling ako sa labas para magtapon ng mga basura. Patuloy pa rin ako sa pagpagpag ng suot hanggang sa makapasok, unang bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Mykel, inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Condessa pero hindi siya nahagilap ng mata ko, ni anino nito ay hindi ko nakita.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kusina para tingnan kung nando'n siya pero wala rin siya ro'n.

Baka nasa restroom?

Lumabas ako sa kusina at tumulong na lang sa paglilinis ng mesa at sa sahig. Ilang minuto ko iyong ginawa habang hinihintay na matapos si Condessa sa restroom—kung naroon nga siya... pero pagkaraan ng ilan pang minuto ay wala pa rin ito.

Inayos ko ang mga nagamit kong cleaning materials bago pinuntahan si KC para tanungin ito.

"Oh, si Condessa ba?"

Tumango ako sa kaniya, inayos niya ang pinupunasang baso bago ako sinagot.

"Ang alam ko, kasama niya si Kaius kanina... nasa rooftop yata sila? May sasabihin daw na importante si Kaius kay Condessa." anito. Nagpasalamat ako rito bago siya iniwan sa loob ng kusina na ipinagpatuloy ang pagpupunas ng mga baso.

Nakakunot ang noo ko habang pataas ako sa rooftop, it's eleven-fifty-seven in the evening, ilang minuto na lang ay alas dose na... at kaarawan ko na.

Sumilip muna ako at nakita ko ang dalawa na nasa gilid habang seryoso na nag-uusap. Nakaharap ang likod ni Kaius sa akin at natatakpan nito si Condessa kaya wari ko'y hindi nila ako makikita rito, maliban na lang kung ipaalam kong narito ako.

Hindi naman masiyadong natatakpan ng katawan ni Kaius ang buong mukha ni Condessa, I still see her beautiful face, clearly. Kahit sa pwesto kong ito, nakikita ko pa rin ang mga naglalarong emosiyon sa mukha niya.

"I love you, Dess... Mahal kita higit pa sa isang kaibigan..." Pinanood ko ang magiging reaksiyon ni Condessa, I was expecting that she would be shocked but to my surprise, she wasn't.

She looked up at Kaius.

"Mahal kita."

Inihakbang ko ang isa kong paa para sana puntahan sila. I'm already aware that Kaius will confess pero wala akong ideya na ngayon niya ito gagawin. Sa kalagitnaan ng paghakbang ko ay napatigil ako.

Tumigil ako sa paghakbang palapit sa kanila dahil gusto kong magbigay ng respeto sa pag-amin ni Kaius at pag-uusap nila.

I really really want to grab Condessa's hand, I want it so bad to stop boys from staring at her, to talk to her but that would be selfish of me.

Alam ko sa sarili ko na tuluyan na akong pinapasok ni Condessa sa buhay niya, sa puso niya, pero bakit natatakot ako? Bakit pakiramdam ko hindi ako pipiliin ng taong mahal ko?

Not that I'm afraid of rejection, maybe, I'm afraid to lose her? Takot ako na mawala siya sa bisig ko, takot akong matapos ang kung ano man kami ngayon—takot akong matapos ang pagkakaibigan na nabuo naming dalawa. Takot ako na mawala ang atensiyon niya sa akin, takot ako sa mga posibleng mangyari. But, why am I so afraid to lose someone? Why am I so afraid to lose her when in the first place she is not even mine?

Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko ngayon pero merong parte sa akin na gustong manatili at pakinggan ang sasabihin ni Condessa sa pag-amin ni Kaius.

Pinakatitigan ko lang ang dalawa na walang kamalay-malay na naroon ako kasama nila, nakikinig.

Kumuyom ang kamao ko ng humakbang si Kaius palapit kay Condessa, then he slowly crouched to touch Condessa's lips.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now