Kabanata 50

11 2 0
                                    

Kabanata 50

Hawak ko ang dalawang tasa ng kape habang papunta sa table ko. Ngumiti ako nang makasalubong ang isang kakilala. Nagkaroon kami ng mabilis na kamustahan bago ako nagpaalam at ganoon din ito sa akin.

I have no friends when I'm in elementary, pero iyong kinausap ko kanina ay ang laging nagbibigay sa akin ng papel tuwing may exam at kapalit ay ituturo ko sa kaniya ang tatlong answer sa kahit na anong question number for free, we may not be the best of friends but we are in good terms.

Tumingin ako sa reserved table ko. Ngumiti ako sa kaniya nang mapansin na tutok ang tingin nito sa akin. He smiled at me too.

Mag-iisang taon na rin nang huli kaming nakapag-usap, we still have communication but we barely talk. I was busy with my studies and he was busy with his works. Kaya nang magtagpo ang landas namin kanina ay hindi na ako nag-abalang hindi-an ang offer nito na magkape.

"Long time no see, Engineer Santiago." biro ko. Inilapag ko ang kape sa harap naming dalawa. Siya na mismo ang kumuha ng sa kaniya at hinila iyon sa tapat niya. Siya na rin mismo ang nag-ayos ng kape ko habang paupo ako.

"Thanks." sabi ko nang makaupo na ng maayos.

His face reddened. Napangiti ako. Wala pa rin talagang nagbabago sa kaniya. Maliban sa katawan nito na parang laging nasa gym. His body is broader than before. Kapag titingnan mo ay parang masyadong maliit ang suot nitong damit dahil hapit na hapit sa katawan nito at halata ang biceps nito. He also got a little tan skin, malamang siguro ay dahil sa pag-iikot ikot nito sa site na pinagtatrabahuan.

He's more handsome than before, and I like the color of his skin right now. It suits him more than the paper white skin.

"Don't bluff future Dra. Patriarca." anito.

Natawa ako. "Bagay." I said referring to the 'Dra' on my name.

"Then I'll address you Dra. Patriarca on this day." ngiting wika nito. Sumimsim ako sa kape ko bago nakangiting umiling sa kaniya.

"Hush, tsaka na kapag nakapasa na talaga ako. Sa ngayon kasi, iba ang pakiramdam ko." tawa ko.

He smiled.

"How are you?" he asked casually.

"I'm fine. Malapit ng makapatay ng tao imbes na iligtas ito." natatawang biro ko. He laughed.

"You? Matagal tayong hindi na nakapag-usap, at ito ulit ang unang pagkakataon na nagkita tayo, I guess we have a lot of things to catch up."

He sipped into his coffee.

"I took the offered project in the province. Hindi pa tapos ang project ko roon pero nabigyan ako ng tatlong araw para magbakasiyon, kaya nandito ako ngayon." pagku-kwento niya. Napatango ako.

"Hindi ka na white as paper, but your tan skinned kinda suits you better." komento ko.

Ngumiti ito bago tiningnan ang balat. "Kaliwa't kanan kasi ang paglalakad ko sa ilalim ng araw kaya medyo nasunog ako."

"Pero tulad ng sinabi ko, mas bumagay ang balat mo ngayon sa 'yo. And plus your body built." I used my hand and act like I was getting a photo of him. "You're more matured."

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now