Kabanata 05

20 4 0
                                    

Kabanata 05

"TWO MORE days." wika ko at tsaka pabagsak na naupo.

"Malaking kahihiyan ito para sa akin." bumaling ako sa kaniya, natawa ako.

"Are you laughing?!" inis na tanong ni Regan sa akin.

"Matagal ng nadungisan ang imahe mo, kapatid." sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Ahh!" si Dewei tsaka ako nilingon, "hulaan ko, dahil sa pagka babaero niya, 'no?" tawa ni Dewei. Tumango ako sa kaniya.

"Gago ba kayo?!"

"Hindi, gwapo lang." si Dewei ang sumagot.

"Kung hindi ka kasi nagsabi ng kung ano ano sa SSG Pres, baka hindi ganito ang sasapitin natin. Baka nga mas maluwag pa ang parusa." napalingon ako kay Finn ng magsalita ito.

"Ilang araw na lang matatapos na tayo. The punishment that was given to us, it will no longer hunt as soon. Two more days guys. Ang kahihiyan niyo, o kung ano pang tawag niyo d'on, matatapos na sa loob ng dalawang araw."

"And, it happened already, at tsaka, kinilig iyon. Nahihiya lang siyang aminin." wika ko, mahihimigan sa boses ko ang kompiyansa.

I know she liked my sweet words, mas matamis pa sa candy ang mga banat ko sa kaniya. Ayaw lang niyang umamin kasi nahihiya siya sa akin. She like me secretly, at ramdam ko iyon.

"Damn confidence."

"Relax. Ako lang 'to."

KINUSOT KO ang mata ko tsaka tinakpan ang buong mukha dahil sa tumatamang sinag ng araw. Tinatamad man ay pinilit kong bumangon para maghanda sa pagpasok.

Tiningnan ko ang sterilize milk na binigay sa akin ni Kroiwen nang tulungan niya ako. That guy helped me cleaned all the scattered papers, after that he handed me this milk.

Bumuntonghininga ako tsaka kinuha ang towel tsaka pumasok sa loob ng banyo. Ilang minuto akong naligo, pagkatapos ay nagpalit ako tsaka ginawa ang ilang nakagawian pagkatapos maligo.

Bumaba ako habang hawak ko ang bag ko. Dumeretso ako sa kusina at nakita ko ang kapatid ko at si Mama.

"Kain na ate." tumingin ako sa kapatid ko, nginitian ko siya.

"Oh, sige." inilapag ko ang bag ko sa isang upuan bago nagtungo kay Mama na abala sa pagluluto ng sinangag na kanin.

"Magandang umaga, Mama." I said and kissed her left cheek. Kinuha ko sa kaniya ang sandok tsaka ako na ang nagtuloy sa ginagawa niya. Pina-upo ko na siya sa isang upuan sa tabi ni Stan.

I putted a right amount of fride rice on my plate and my mother's plate. Kumuha ako ng pitsel ng tubig at pinagsalin sila.

"Tapos mo na ba ang assignment mo, Stan?" tanong ko, tumango naman ang kapatid ko sa akin.

Tumayo si Mama mula sa kaniyang pagkakaupo tsaka lumabas ng kusina, pinagpatuloy naman namin ang pagkain. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik si Mama at may iniabot kay Stan, tapos sa akin.

Nang tiningnan ko ito ay pera. Tumingin ako kay Mama tsaka umiling sa kaniya. I give the money back to my mother. She looked at me.

"May ipon pa po ako, Ma. And, scholar student naman po ako. Kaya ko na po ang tuition fee ko."

"Ako din po, Mama. May natira pa po sa baon ko kahapon, iyon na lang po ang gagamitin ko ngayon." Stan said and he also handed the money back to our mother.

"Wala ba kayong mga kailangan mga anak? Projects?"

I looked at Stan, he looked at me. Sabay kaming tuimingin kay Mama and we both wag our head in unison.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now