Kabanata 43

16 2 0
                                    

Kabanata 43


"Ako na ang maghahatid sa kaniya." Napatingin ako kay Kroiwen na tutok ang mata kay Finn. Nakapamulsa ito at magulo ang buhok dahil sa hangin. Nahigit ko ang hininga ko nang tapunan niya ako ng tingin, I secretly shut my eyes and bit my lower lip.

"Alright."

Nilalaro ko ang daliri ko habang tahimik na sumunod sa kaniya papunta sa kotse nito. Is this the chance I've been waiting for? Maganda ba ang timing para umamin na rin sa kaniya?

Tulad ng nakaraan ay dumeretso ito agad sa driver seat at hindi ako pinagbuksan ng pinto tulad ng nakagawian nito noon. Tumingin ako kay Finn at nahihiyang ngumiti, kunot ang noo nitong binaling ang tingin sa driver seat pero hindi niya kita roon si Kroiwen dahil tinted ang salamin ng kotse.

He returned his gaze on me, I smiled at him, "salamat Finn."

Napatalon ako dahil sa gulat nang biglang pabagsak na isinarado ni Kroiwen ang pinto ng driver seat at lumabas siya roon. Mabigat ang hakbang nito habang palapit sa akin, napalunok ako dahil sa dilim at talim ng tingin na iginagawad nito sa akin.

I thought he will grip my hand in a rough way but he holds it gently but with firmness. Siya na mismo ang nagbukas ng pinto tsaka iyon tinuro.

"Sakay na."

Kinuha nito ang bag ko na nakasabit sa balikat tsaka inalalayan ako sa pagpasok. Nang makaupo nang maayos ay ipinatong niya sa mga hita ko ang bag, he breathe heavily then he slowly close the door of his car. Pinanood ko ang bawat galaw nito habang papunta sa kinatatayuan ni Finn.

Ang iba sa kasama namin ay nauna ng umuwi, sabi ng mga ito ay may kailangan pa silang gawin. Ang iba naman sa kasamahan ko ay ganoon rin, maliban kay Kuya Mykel at Rosa na nagpaiwan sa Cafe dahil male-late ng ilang minuto ang susunod na shift.

Finn and Kroiwen had a serious talk, base ko iyon sa mga emosiyon na nakaratay sa mukha ni Finn. Nakaharap ang likod ni Kroiwen sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito. After having a minute talk, while sighing Kroiwen face his back on Finn and he utter something bago tuluyang naglakad palapit sa kotse niya.

Kumalabog ang dibdib ko nang tapunan niya ng tingin ang banda ko, though he can't see me but I feel like he can clearly see me! The tinted wind shield is not helping! Masiyadong malayo ang isip ko kaya nai-imagine kong nakikita ngayon ni Kroiwen ang balisa kong sarili.

Huminga ako nang malalim, I tried to calm myself pero mas lalo akong kinabahan nang buksan ni Kroiwen ang pinto at agad na nagtama ang tingin namin. Agad kong inalis ang tingin sa kaniya at tumingin na lang sa labas.

Tahimik ang naging biyahe namin. Pigil ko ang hininga ko hanggang sa makarating kami sa subdivision papasok sa bahay namin. Hindi ko na inaasahan na magtatagal si Kroiwen dahil mukhang pagod at wala ito sa mood ngayong gabi.

Kapag aalis siya agad, siguro iaabot ko na lang agad ang regalo ko at babatiin siya, nang sa ganoon ay hindi na ito magtagal at makapagpahinga ng maaga.

But so much for my expectations, nagulat ako nang bumaba ito sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto. Gulat pa rin ang tingin ko sa kaniya kahit nasa harap ko na siya at walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Palihim akong napalunok tsaka dahan-dahang bumaba nang kotse. Inayos ko ang nagusot kong uniporme bago siya hinarap.

I bit my lower lip, agad naman ang pagtingin nito sa labi ko pero agad ding nag-iwas ng tingin, he licked his lower lip while his eyes were settled on the post light.

"A-Alis ka na ba?" I asked. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at pinatatag ang sarili na tingnan siya sa mata kahit pakiramdam ko ay mabubuwal na ako sa kinatatayuan ko.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now