Kabanata 47

16 2 0
                                    

Kabanata 47

Gusto ko siyang puntahan nang lumabas ito ng sasakiyan at ang kamay ay nakahawak at marahang minamasahe ang kaliwang dibdib. Pinanood ko ang pagpunta nito sa gilid ng bangin malapit sa pinto ng kotse niya kung nasaan ako.

Mabilis ang paghinga nito at patuloy sa marahang pagmasahe.

Napangiti ako nang maging magaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong masabi ang nararamdaman ko. He didn't say anything though. Naging tahimik at nanatiling gulat ito habang pinagmamasdan ako.

Wala akong natanggap na salita galing sa kaniya maliban sa mapungay nitong titig na may halong pagkamangha at pagkalito.

Sa tingin ko, he's still entertaining the thought that I love Kaius romantically.

Tss. Mukhang hindi pa sapat na sinabi kong mahal ko siya.

What else can I do to make him believe that I really love him?

Ilang minuto ko siyang pinagmasdan. I stared at his broad shoulders and back. Ang ilaw na nanggagaling sa kotse nito ang naging tanglaw ko para makita siya. Hindi nga lang kasama ang mukha nito dahil nakatalikod ito.

When I confessed to him earlier, I can't help but to smile. To giggle. His reaction earlier was priceless, mukha itong hihimatayin na hindi ko mapagtanto.

A small smile crept onto my face.

Napaangat ang tingin ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ng sasakiyan. My eyes held his. His eyes were full of emotions that I can clearly name. I've been seeing this emotions in his eyes before, when our eyes meet even just a mere single second, this emotions were all visible, those eyes of his are telling you the truth even you don't ask, you just saw it. You just feel it everytime our eyes meet—but sadly, ngayon ko lang ito nabigyan ng halaga. Ngayon ko lang pinagmasdan sa angking ganda.

Para kang nakatitig sa isang batis na puno ng malinaw na tubig. At malinaw na malinaw mong nakikita at nagpagmamasdan ang repleksiyon mo mula roon. It's so open.

Ngayon lang ako naniwala sa sinasabi ng mga mata niya.

Mapungay ang mga mata nito. He tried to give me a small smile but seconds later, it turned out into a sweet and wide smile. I smiled at him too.

He reached my face and gently run his thumb on my right cheek. I closed my eyes and feel the warmth of his palm and the gentleness of his running thumb.

"Baby."

I opened my eyes to see his face. Tumigil ito sa paghaplos ng pisnge ko at binaba ang kamay niya sa kandungan ko para abutin ang kamay ko na roon nakapatong. He intertwined our hands slowly. Tahimik lang ako habang pinapanood ang tuluyang pagsakop ng kamay nito sa maliit kong kamay.

My hands looks so small now that he's holding it.

"Baby?" Inangat ko ang tingin ko mula sa magkahawak na naming mga kamay pataas sa kaniyang mga mata. His voice was husky. Nakakalunod ang boses nito pati na rin ang titig niya.

"Yes?" I answered. So much desperate that I answered his call.

But I know it's for me. I know it's meant just for me. Only me.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now