Kabanata 39

5 3 0
                                    

Kabanata 39


Inilapag ko ang tasa ng kapeng barako sa harap nito, he watched my every move. Ngumiti ako kay Papa ng bahagya nang maiayos na ang lahat ng order niya.

"Enjoy, po."

Deretso ako nitong tiningnan sa mata, bumuka ang bibig niya pero agad din iyong tumikom. Tila nag-aalinlangan sa sasabihin nito.

"S-Salamat, anak—"

"Wala pong anuman."

Bumalik ako sa kusina at tinulungan sila KC na maghugas ng mga nagamit na baso. Bumalik ang dating gawi ni Papa. Kung may pagkakataon ito ay bumibisita ito sa Cafe, kung hindi naman ay pumupunta ito sa bahay para dalawin kami ni Stan. Mama let Papa step his feet inside our home, his presence didn't make Mama mad or what, she really moved on.

Hindi rin nito nababanggit ang tungkol sa kapatid namin, sa totoo lang, wala pa akong idea kung sino sa mga nakakasalamuha o nakasalamuha ko ang nakatatanda naming kapatid, they don't say a thing. Ang tangi lang na sinasabi ni Mama tuwing magtatanong ako tungkol kay Kuya ay naghahanda pa lang daw ito na harapin kami at ipakilala ang kaniyang sarili bilang kapatid namin.

I sighed.

Sa loob ng ilang buwan ay hindi kami pumasok sa trabaho dahil under renovation ito, at pagkalipas ng apat na buwan ay natapos na ang pagre-renovate. Lumawak na ang dating maliit na kusina, at ganoon din ang buong Cafe, kung dati ay kaya nitong mag-accommodate ng thirteen to fifteen na katao ngayon ay mahigit twenty-five to thirty na, naayos na rin ang interior design ng Cafe at mayroon na rin itong rooftop, though hindi available ang rooftop para sa mga customer dahil ipinagawa ito ni Ms. Ancheta para sa mga staff niya.

She said when we will throw a party or an event we can undertake it at the rooftop.

Pagkalipas ng ilang minutong pamamalagi sa loob ng kusina ay lumabas ako para tingnan kung ayos lang si Kuya Mykel sa counter. Pagkarating ko roon ay wala si Kuya Mykel. Wala rin namang customer na kailangang pagsilbihan dahil halos lahat ng customer namin ay abala sa pakikipag-usap sa mga kasama nila.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan doon at pinagmasdan ang kabuuan ng Cafe.

Out of boredom, isa-isa kong pinanood ang galaw ng mga tao sa loob, karamihan sa customer namin ngayong gabi ay mga taong galing sa kani-kanilang mga trabaho, iilan din ang mga estudyante at may nag-iisa kaming couple na may sariling mundo.

Inilibot ko ulit ang tingin ko at napagawi ito kay Papa, nasa harap nito si Kuya Mykel at masinsinan silang nag-uusap, naramdaman yata nito ang tingin ko kaya nag-angat ito ng tingin sa akin at gulat na pinantayan ang tingin ko, pagkalipas ng ilang segundo ay ngumiti ito sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko sa pwesto na iyon nang bumaling si Papa sa tinitingnan ni Kuya Mykel.

Does he know Papa?

Kuya Mykel is very kind and approachable, siguro tulad ng lagi nitong ginagawa ay nagpapasalamat ito kay Papa dahil madalas nga ang pagpunta niya rito. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin kaya ito narito ngayon.

Pinagkaabalahan ko na lang ang bawat paggalaw ni Kroiwen habang nagpupunas ng mesa, malapit ito sa mga estudyante na ngayon ay nakamasid na sa kaniya at malaki ang ngiti ng bawat isa sa kanila.

I bet they're a college student, base sa uniform na suot ng mga ito at sa features, hindi malabong tama nga ang nasa isip ko.

Maybe a year older than us?

Lumipat si Kroiwen sa isa pang mesa na katabi ng mesa ng tatlong estudyante, mas lalong lumaki ang ngisi ng isa sa kanila habang ang dalawa ay may sinasabi sa babaeng malaki ang ngisi at malagkit ang tingin kay Kroiwen.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now