MIW [18]

2.6K 67 1
                                    

Nilapitan ko naman sya at yung pula nitong labi ang agad kong napansin. Walang emosyon ang mukha nya ng diretsong nakatingin sa akin.

"I want Migo back!"

Napangisi naman ako sa narinig ko."Problema mo?"

"Migo is mine you bitch!" And her face turned into a monstrous creature. Bakit sakin nya sinasabi? Duh!

"Then why are you telling this to me?" Naguguluhan kong tanong dito.

"Tanga ka ba?" Sasagot sana ako ng mapatigil ako sa sunod nitong sinabi "He likes you!"

Hanudaw? Baka naman may sapak itong babaeng to at talagang pinagtulakan sakin si Migo. "Excuse me? Si Migo may gusto sakin? Nakainom ka ba?"

Lumapit ito sa akin at nagulat ako sa sunod nitong ginawa. She slapped me. Tengene yung mga magulang ko ngang na sa langit na ay hindi man lang ako napagbuhatan ng kamay. Tapos itong babaeng ito.

Hindi ako pinanganak para magpatalo kaya agad ko syang tinulak na may kalakasan. She stumbled on the floor at talagang feel nyang magpabest actress dahil nangingiyak siya. "Ang weak mo naman dahil sa natumba ka iiyak ka na?" Hindi ko mapigilang hindi mapailing.

And that's when I realized kung bakit sya ganun.

"Angel!" Sigaw mula sa likuran ko. Napalingon ako at nagtagpo ang mata naming dalawa ni Migo. Anong ginagawa nya dito? Okay may camera ba? Ano 'to scripted? Anyare? "Here, hawakan mo yung kamay ko at itatayo kita" Pinagmasdan ko pa silang dalawa.

Angel gave her hand to Migo at ng itatayo nya na ito ay bigla na namang kamuntikang mapaupo sa sahig. Pusang inarte yan. Para namang napakalakas ng pagkakabagsak nya sa sahig. Napairap na lang ako sa kawalan, so mukhang ako pa ang masama samin ngayon.

"Eri.." Napatingin ako kayMigo "Bakit mo namang ginawa yun kay Angel?" Napanganga ako sa tanong nya at parang sira na napatawa pa, ah ok, I forgot she's inlove with the devil.

"You want to know?" Pinagsiklop ko ang braso ko " Pumunta sya dito sa lugar ko at sinabing may gusto ka daw sakin. Yeah, really, that's what happened. At alam mo kung anong sunod na nangyari? Sinampal nya ko, tinulak ko sya. Fair and square"

Nagtiimbagang naman ito. Kakaiba ang aura nito kumpara sa dati. The Migo infront of me right now, parang hindi sya, hindi ko sya kilala. I saw his concern for Angel.

"We better leave..." Habang inaalalayan nito si Angel. Tumingin sya sakin na parang may gusto syang sabihin. Malayo-layo na ng hindi ko mapigilang itanong na.."Bakit ka nga pala pumunta dito?"

Napatigil sila, siya "Sinundan ko si Angel" and that's it. Assuming lang ba ako at mas gusto kong marinig na pumunta sya para sa akin. Ano bang nangyayari sakin? Shit bakit parang naiiyak ako?

Hanggang sa nawala na sa paningin ko ang kotse ni Migo

.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon