"Eri iinom na lang natin yang problema mo!" Suhestiyon ni Jane na kasalukuyang nasa apartment ko. Magmomovie marathon kasi kami. Kasama din si Pete kaso di pa dumadating ang baklang yun.
"Iinom ko tapos kinabukasan maaalala ko din. I'd rather not" Sumalampak naman ito sa sofa katabi ko.
Mga ilang minuto lang may nagdoorbell at nagtitigan pa kaming dalawa kung sinong magbubukas sa pinto. Nagjackempoy kami at sa huli sya natalo kaya sya nagbukas ng pintuan.
"Hello mga bruha!" Bungad ni Pete habang may hawak na dalawang plastic bag na puti. Halos malaglag yung panga ko sa itsura nya maging si Jane eh napanganga sa bungad nito.
"Sino ka?" Sabay pa naming tanong ni Jane habang nakatingin sa nilalang na nasa harap namin ngayon.
"Hindi ako sinuka inire ako mga te!" At lumapit ito sa sofa at sumalampak sa tabi ko. Jane walked towarss us at parang tangang sinipat sipat si Pete.
"Anyare nahipan ka ata ng masamang hangin bakla" suhestiyon ko dito.
"Nakainom ka ba ng expired na lason?" Tanong din ni Jane na inirapan ni Pete.
Well nagulat lang kami dahil ibang iba yung itsura nito kumpara nung nakaraan. His hair were trimmed neatly kumpara sa malakpop nitong buhok. Kinulayan nya rin ito ng itim na lalong bumagay at ikinadepina ng mga features nito sa mukha.
At ang nakakawow eh ang porma nito. His wearing walking shorts at sando. Tyical nagagala lang ng mall ganun. Pero haler si Pete yan? Asa ka pang magsando yan sa mga ganitong araw. As in never.
"Nakakatibo ka kamo" sabi ko dito.
Natawa naman ako na nandidiri itong tumingin sakin.
"Ui Jannetta bayad mo sa pinabili mo sakin" tumingin naman si Jane dito.
"Binili mo?" Namamangha nitong tanong.
"Sisingilin ba kita kung hindi. Utak girl!" Bigla naman syang dinamba ni Jane ng yakap at nagsimula na silang magtulakan. Hinalungkat ko naman yung plastic at nagulat ako ng makitang may alak na kasama iyon.
"Di ba sabi ko no alcohols allowed" sabi ko sa dalawa. Naniningkit pa yung mata ko na tumingin sa kanila.
"Ay akala ko kasi isoprophyl yung bawal eh" Natatawa pang sabi ni Jane. Mailusot lang eh.
"Ano pa bang magagawa ko di ba?" Sabi ko sa dalawa.
Imbes na movie marathon at naging drinking station yung sala ko. Nilatag nila yung magiging pulutan namin at nilagay din yung mga alak na pagdidiskitahan naming inumin.
"Yes pwedeng magpakalasing! Wooo~" sigaw ni Jane habang itinataas yung bote ng lady's drink. Buti na lang hindi yung mga nakakalasing agad na alak yung binili nila.
We started talking about our works in the office habang nilalantakan ko ng todo yung chichirya doon. Nakalimang shot na kaagad si Jane. Wala ata silang imbak na tubig sa bahay.