MIW [15]

2.8K 53 0
                                    

NOTE: HAPPY NEW YEAR! :D Palafang hahaha.

Pagkatapos nang araw na yun ay ilang beses kong iniwasan si Migo. I know that was the right decision and I'm not changing my mind. Hindi ko naman siya nasasaktan sa ganitong paraan just staying away from him was enough for me to free myself from guilt.

"Lunch, Eri?" Napalingon ako kay Jane na kasalukuyang nakatambay sa cubicle ni Pete. Tumango naman ako at handa na kong sumabay.

Early lunch niya kung iisipin pero hindi naman mahigpit sa ganoon ang opisina as long na matapos mo yung mga pinapatapos sayo. Kinuha ko yung pitaka ko sa bag at sakto namang nagring yung cellphone ko. Tiningnan ko yung caller ID and again it's Migo, hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba o hindi kasi nung mga nakaraan ay hindi ko nasasagot o kaya'y sinasadya kong hindi sagutin.

Sa huli mas pinili kong hindi sagutin. Kami lang tatlo ngayon nila Pete at sila Audrey ay mamaya pa kakain talaga at mauna na daw kami.

"Ang gloomy ng mukha mo. Namatayan ka ba ng ipis sa bahay?" Napangisi naman ako sa sinabi ni Jane.

"Oo nga girl anyare? Actually nung nakaraan ko pa napapansin yan. Waley na yung super kalurkey na energy mo tuwing papasok. Nakikipagsex ka ba araw-araw at napagod ka?"

"Ha-ha-ha Pete funny" sarcasm is really evident on my words. "Wala kaya si Jigo kanino ako makikipagsex?" At ngumisi pa ko ng magiba yung ekspresyon ng dalawa.

"Ang bold ng mga salita niya isipin ng mga tao laspag na tayo" ang mahinang bulong ni Jane na parehas naming inirapan ni Pete. "Makairap naman kayo mga Virgin te? Lalo ka na Pete inara-araw mo ata eh!" May panunudyo sa boses nito.

"Ang alin Jane? Gagang 'to napakaberde! Tubig lang ang inaaraw-araw ko!"

Nagsingisian naman kami sa sagot nito. We decided na sa fastfood chain na malapit na lang kumain. Nakakasawa na rin kasi yung pagkain sa canteen.

Papalabas pa lang kami ng building ng makita ko siyang nakatayo doon sa may labasan. His hands were on his pocket and leaning on the wall. Nagtaas naman yung kilay ko ng magtama ang mata naming dalawa. His eyebrows furrowed as he looked at me. Gusto ko na sana siyang lagpasan na lang sana kaso huli na dahil papalapit na siya sa direksyon namin. At doon ko lang din napansin na nakaformal siyang damit. Yung sleeves niya ay nakataas sa kanyang siko at nakaitim syang slacks na parang modelong nageendorse ng isang mamahaling brand ng damit. He's indeed attractive but take note na 'wag sasabihin sa kanya yun dahil lalaki ang ulo.

"OMG Papa Migo why are you here?" Ang kilig na tanong ni Migo pero na sa akin lang ang atensyon ni Migo.

"You're not answering your phone since the last time we talked face to face" Napalunok naman ako dahil sa tagos nitong tingin. "Nasasakto kasing hindi ko hawak yung phone ko pagnatawag ka" Pagdadahilan ko.

"Nice try" sabi pa nito. "Iniiwasan mo ba 'ko?"

"Iniiwasan ba kita?" Balik kong tanong at nagmumukha na kong timang dahil sa hilaw na ngising ekspresyon ko.

"Gaga ka Eri ikaw kaya yung tinatanong!" Gusto kong supalpalin yung mukha ni Jane sa mga oras na ito. Hindi niya mabasa yung atmosphere sa pagitan namin. Well, hindi naman kailangan.

"Ay Papa Migo may pupuntahan ka? Sama ka samin lunch na namin eh kung want mo lang naman"

"Sure" walang pagaalinlangan nitong sagot. Buti na lang at hindi na ito muling nagtanong.

Naglakad na kaming apat and only Pete and Jane were the one talking. At nasa likuran kaming dalawa ni Migo na hindi naimik. Ok this awkward atmosphere between us should end. Pero paano ko sisimulan. Katulad ng dati? Naaa that's not easy ngayon na mukhang badtrip siya.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon