MIW [2]

5.4K 104 1
                                    

**PANGALAWA**

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ng apartment ko. Akala ko si Mina lang kaya hindi na ko nagabalang magayos pa ng sarili. Magulong buhok tapos maiksing damit lang dahil summer at mainit.

"Good morning!" Yan ang bungad na kaagad kong ikinasara ng pinto. Pusang gala bakit sya nandito ng ganito kaaga? Not that I'm expecting him to come dahil hindi ko rin naman sinabi sa kanya kung saan ang apartment ko! Stalker ba yung lalaking yun? Sabihin nya lang ipapaban ko sya sa mga pulis.

Hindi tumigil yung katok sa pintuan kaya hindi man bukal sa loob ko pinagbuksan ko sya ng pinto pero bago yun nagsuot muna ko ng disenteng damit.

"Bakit ka nandito?" Inis kong tanong.

"Hindi mo man lang ba ko papasukin? Sayang effort ng pagpunta ko"

"AT SINO NAMANG NAGSABI SAYONG PUMUNTA KA DITO?!" Napatakip naman ito ng tenga dahil sa sigaw ko.

"Chill Eri wala lang akong magawa kaya dinalaw kita" Nalulukot na yung mukha ko sa sobrang inis. Sya talaga ang sisihin ko sa maaga kong pagtanda.

"Hindi kailangan ang dalaw mo. Hindi ako preso kaya pwede ba Migo umalis ka na lang nakakasira ka ng araw" Isasara ko na sana ang pinto ng iharang nya yung paa nya.

"Papasukin mo ko o pagkakalat kong binuntis kita dito sa buong apartment" Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Ngumisi naman ito na parang nagsasabing nagtagumpay nanaman sya dahil wala sa loob ko syang pinapasok sa bahay.

Feeling at home ang loko at diretso upo sa sofa sabay bukas ng tv.

"Hindi mo man lang ba ko aalukin ng drinks?"

"Bisita lang ang inaalok ko nun hindi mga BWISITA!" Emphasizing the last. Kumukulo ang dugo ko dito sa lalaking to.

"Haha kalma ang aga aga iniistress mo ang sarili mo" tumatawa sya nyan ah. Nangaasar pa talaga.

"Sabihin mo nga sakin ano pa bang kailangan mo at ginugulo mo pa ako? Ako kasi wala kaya kung wala rin naman pwede ba tigil-tigilan mo na ko."

"Ano nga ba? Ah I just like your company kaya ako nanggugulo sayo" nilipat nya yung channel ng tv "Pakabit ka kaya ng cable para mas maraming channel"

Agad ko naman itong inagaw sa kanya at pintay yung TV. Huminga ako ng malalim at baka sipain ko sya palabas nitong bahay at makalimutan ko ang salitang hustisya pag di ako nakapagpigil.

"Migo utang na loob tigilan mo na ko. May girlfriend ka naman di ba doon ka mangulo"

Umiling lamang ito. "Wala namang oras sakin yun"

"Parang magsalita ka naman nyang parang di mo mahal yung tao ah" napatawa sya ng mahina pero halatang hindi totoo yun.

"Mahal ko yun kaya nga ko nagpapakamartir."

Martir? Sa paanong paraan? Sa pagpunta nya ngayon dito ang pagulo sa araw ko.

"Martir daw. Sus kung martir ka talaga hindi ka pupunta dito sa bahay ng ibang babae at mangiinis. Kung martir ka talaga kasama mo sya ngayon at kahit anong mangyari hindi mo sya hihiwalayan. At kung totoong martir ka, hindi ka kasama ngayon ng katulad ko at nakikipagbangayan ng walang kwenta! Naiinitindihan mo ba?"

Napasimangot naman ito. Ang dami talagang tinatagong facial expression ng taong to.

"Alam mo ngayon ka lang nagsalita ng matino" suhestiyon nito

"Eh kasi abnormal yung nasa harap ko. Lumayas ka na nga at wag ka na ulit magpapakita sakin"

Tumayo sya sa pagkakaupo nya at parang gago na lumapit sakin at inuga-uga pa ko sabalikat. "Thanks for clearing my mind maybe I owe you big time this time. At dahil dyan hindi MUNA kita guguluhin. Ciao!" At lumabas na nga ito ng pintuan ng apartment ko. Anong muna? So may balak pa syang bumalik . WAG NA!

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon