In the end hindi na ako nakaangal sa pagsama nya samin. But if I were to decide HINDI KO SYA PASASAMAHIN pero dahil etong kerengkeng na baklitang ‘to ang nagdecide ayan tuloy kasama namin tong hinampas ng lupang si Migo.
“My girlfriend ka na ba? Kung wala may nakahanda na kong resume” Ang maarteng suhestiyon ni Pete habang hinihimas-himas yung braso ni Migo. Halata namang hindi ito komportable sa ginagawa ni beks pero hayaan ngingiti-ngiti. BUTI NGA SAYO! Mwahahaha
“None but…” pambibitin nito at ngumiti pa na akala mong nagiimagine na makakita ng anghel ay este demonyo pala. “..my heart is already taken” pwedeng sumuka? Nakakasuka yung sinabi nya promise!
“Ay sayang naman” tapos may kinuha si Pete sa wallet nya mukhang calling card “Text mo na lang ako pagkailangan mo ng substitute I’m very willing Migo hihihi” Aba’t talaga naman ang kalandian hindi maiiwasan.
Halata naman ang pilit na ngiti ni Migo.
Anyway buti hindi umangal sila Matt ng sinabi ni Migo na sasama sya samin. Ang sabi naman kasi ng lokang si Jane eh the more the merrier daw at ang gwapo daw ni Migo pwe. Si Audrey naman ay sumangayon dahil majority wins ang botohan namin mukhang ako lang talaga ang di payag. Nakilala naman ni Matt si Migo kaagad dahil nung araw na nalasing si Migo ay si Matt ang tumulong magbuhat sa kanya nun.
Hindi na rin yung inungkat ni Matt at buti naman kung ganun.
“Eri si Jigo namimiss ka daw” sabi ni Jane habang nagtatype ng kung ano sa cellphone nya.
“Mukha nya kamo! Asa pang mamiss ako ng lalaking yun”
“Sino si Jigo?” sabay lingon nya sakin. Bakit ba napakamatanong nang taong ‘to?
“Yung aso ng kapitbahay namin” Masungit kong sagot sa kanya na agad nya namang nabara ng sagot nya “Ah kaya pala kalahi mo” I just rolled my eyes heavenwards buti na lang kami lang nakakarinig sa asaran naming dalawa. Nasa tabi kasi ako ng bintana at sya ang katabi ko tapos katabi nya si Pete at katabi ni Pete si Jane. Nasa harap si Audrey at si Matt ang nagmamaneho.
“Isipin mo na nga lang di tayo magkakilala”
“Bakit ba ang taas ng presyon mo sa akin? Yung dugo mo ba sa baba napupunta dyan sa ulo mo?”
Gusto ko na dapat syang murahin pero medyo nahiya ako sa mga kasama namin. And why am I even wasting my precious saliva and words to him? Just keep quiet Eri isipin mo na lang wala sya sa tabi mo. Akala ko Migo free na ko kahit ngayon lang di pa pala.
Nakarating kami sa isang Japanese restaurant bandang Taft Avenue. Isa syang family restaurant at pagpasok pa lang namin mararamdaman mo na yung ambiance ng lugar na parang nasa bahay ka lang talaga. We scanned the place at agad naming natagpuan doon si Fate, Henry, at Jigo sa isang pahabang lamesa.
“Eri!” Agad na lapit sakin ni Jigo at inakbayan pa ako.
“Hands off Jigo” I hissed pero lalo nya lang hinigpitan ang pagkakaakbay sakin at hinila papunta sa upuan sa tabi nya. “Tss ang dami daming pwedeng landiin ako na naman ang prospect mo” bulong ko dito. Ngumiti lamang sya.