**PANGATLO**
'Let's drink Eri'
May sira ba to sa ulo? Drink ng tubig? Napailing na lang ako hindi ko na dapat sya pinapakeelaman ngayon para hindi nya na rin ako pakielaman.
"Eri!" Sigaw ni Pete yung baklang kaofficemate ko. Tumingin naman ako dito.
"Sama ka bar hopping tayo mamaya?" Mukhang excited nanaman to at natutunugan kong may nahanap nanaman tong bagong bar.
"Sure." Wala naman akong gagawin.
"Oh sige same time, sunduin ka na lang namin" tumango tango naman ako.
Maaga akong natapos sa opisina kaya nagunder time na lang din ako. Wala naman akong gagawin dun kundi makifacebook at maglaro ng candy crush .
Pagdating ko sa bahay naglinis lang ako ng konti at natulog kasi 3 hours pa naman bago yung call time namin kaya mabuting gamitin ko yung oras ko sa makabuluhang bagay at ang pagtulog ang solusyon ko dyan.
Nagising naman ako kaagad bandang 6 kaya nagayos na rin ako. Nakatight jeans lang ako at hanging sleeveless nagkiller heels na rin. Hanggang sa marinig ko na lang na may nagbusina sa baba. Nagmamadali naman akong bumaba.
"Ang tarush talaga ng lokaret tinalbugan na naman ang beauty kech!" Sabi ni bakla sakin.
"Gaga maganda ka bakla mas lumamang lang talaga ako sayo" at tumawa pa ko bago pumasok sa kotse nya. Kasama namin si Jane, Fate, Henry sa kotse. Nauna na daw si Matt, Audrey at Jigo kaya ang bilis ng takbo ng binabaeng to. Kahit kelan talaga feeling nito race track ang kalsada.
Pagdating namin dun sa bagong bar na nadiskubre nila eh kumakaway na yung tatlo samin.
"Ang ganda mo girl" sabi ko kay Audrey.
"Nagsalita ang pahumble!" Natawa naman ako kahit kelan talaga ang mga kaibigan nagsasabi ng totoo hahaha.
Inakbayan naman ako ni Jigo isa sa mga lalaking naging tropa na lang din namin sa isang bar. Mabait to medyo matinik lang sa babae pero matino naman pagkaibigan ang pinaguusapan.
"Sayang no naunahan ako ni Rigz sayo" bulong nya sakin.
"Hoy Jigo wag ako ang landiin mo at baka maitusok ko sayo tong dulo ng takong ko. Dun sa loob dun ka manlandi" tumawa naman ang loko. Lagi na lang ako niloloko nito kaya nasakyan ko na rin kahit papaano.
Amoy ng alak at sigarilyo agad ang bumungad samin sanayan na lang talaga siguro pagkatulad ka naming mahihilig sa bars. Agad akong napalinga linga para maghanap ng lamesa sa loob at as usual dahil magaling si Pete nakakuha kami ng malaking lamesa.
"Inakit mo ba yung may-ari dito?" Bulong ko sa kanya. Kundi nyo tatanungin si Pete po ay isa sa mga pogay. Ang daming nagkakagusto sa kanya sa opisina kahit alam naman nilang lahat na bakla sya.
"Oo nakakadiri nga kasi yung babaeng yun grabe kumapit sakin parang bacteria kaya kailangan ko pang idisinfect yung katawan ko pagdating sa bahay" halatang iritado ito sa mga babae. Ba naman kasi bakit ang gwapo ng baklang to baka kung hindi, dito ako magkagusto kaso mas malantod pa sakin to eh.
"Ang gwapo nung DJ" Sabay turo ni Jane dun sa DJ sa taas ng stage. Ang gwapo nga may lahi ata. "Dyan muna kayo puntahan ko lang" at hindi nanamin sya naawat dahil pinuntahan nya na talaga . She'll be laid later I am sure.
Nagsitayuan na rin yung iba.
"Tara dance floor Eri" yaya ni Fate sakin habang hila nito si Matt at Henry. Si Jigo ayun sa bar counter may kahalikan na . Ang bilis talaga nun.