MIW [27]

3.5K 54 0
                                    

Note: Basahin hanggang sa dulo. Angel's POV yung pinakahuling chapter yun lang mwa mwa. Completed na to.

Migo's POV

Flashback

Kagagaling ko lang sa opisina ng tawagan ako ni Trey na magpapakasal daw sya. Edi kung hindi ba isa't kalahating gago alam ng busy ako bakit ngayong araw pa?

Kahit labag sa loob ko ay pumunta ako sa simbahang sinabi nya at nasa pinto pa lang ako ng may nakita akong babaeng nakatayo doon. She looks hot kahit likod pa lang ang nakikita ko.

"Sorry I'm late" Napalingon naman ito sakin. Gusto kong panlaglagan ng panga dahil napakaganda nito "Ay tapos na ba?"

"Kadadating ko lang din" Ang sagot nito. Even her voice suits her.

Napatingin naman ako sa suot nya. Definitely kahit sinong tumingin sa kanya will be drooling. Napakasexy kasi nito. Balak ko sana syang pagtripan, So I did.

"Are you here to stop this wedding missy?" Tumaas naman yung kilay nya. I find it cute.

"Excuse me?"

"Dadaan ka you're free to go I don't want my friend's wedding to be ruin by you"

Nakita ko ang kulang na lang ay ang pagwawala nya ng humarap sya sakin. Masyado syang maganda pero hindi bagay yung itsura nya sa ganitong lugar. Mukhang katulad ko ay biglaan din ang pagtawag sa kanya.

Gusto kong matawa ng sabihin nya sakin yung pangalan nya. Easy. Nagtuloy yung asaran naming dalawa. Pikon kasi ito and I find her amusing. Parang kahit gaano sya kaganda eh wala syang pake doon.

She just wated to express herself freely. Hindi katulad sa iba na pademure.

At ang pinakanagpamangha sakin ay walang epekto ang kagwapuhan ko sa kanya. Everyone wants me. Every woman wants me pero parang sa kanya wala itong epekto.

Sinabi nitong may boyfriend sya pero hindi na ako nagtaka kasi sa ganda nyang yan siguradong maraming mauuto.

And that's when Mina and Trey came kaya natigil ang asaran naming dalawa. Masaya ako para sa kaibigan pero hindi ko mapigilang hindi mapalingon sa babaeng kasagutan ko kanina. She's smiling and it fits her. Mas bagay sa kanyang nakangiti.

Matapos yung kasal ay lumabas na kaming lahat.

"Haha baliw at nga pala meet Migo. Kaibigan ni Trey. Eri Migo. Migo Eri" Ngumiti naman sya sakin na halatang pilit.

"Nice meeting you Eri" At naglahad ako ng kamay pero imbes na tangapin ang kamay ko ay nagdahilan ito at nagmamadaling sumakay ng taxi.

Napahiya ako doon ah.

Kinuha ko lang yung kotse sa parking at didiretso na kong pauwi. Habang pauwi ay napansin kong parang may nasiraang taxi and there I saw her. Nakatayo lang ito na parang naiinis na. Nilapit ko yung kotse ko sa kanya. Balak ko sana syang asarin.

"Oh? Anong nangyari?"

"Wala kang pakielam. Go away!" Aba't talagang ipagtabuyan ako.

"Mukhang inuugat ka na sa kakahintay ng masasakyan. Ge alis na ko!" Pinaandar ko naman yung kotse ko at tiningnan kung hahabulin nya ko pero hindi man lang natinag. Ang tigas talaga ng babaeng iyo.

Bumalik naman ako "Sumakay ka na konsensya ko pa pagnarape ka pa" Which is true. Masyadong sexy ang suot nya tipong nagaanyaya. Ako nga attracted sa itsura nya ngayon iba pa kayang lalaki. The fck walang ibang lalaki.

Kahit mukhang labag sa loob ay sumakay na ito pero dahil nasa trip ko ngayong mangasar ay inasar ko lang sya ng inasar.

"See you around missy" wich is true. Gusto ko pa syang makita at hindi ko sure kung bakit.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon