MIW [24] - 4/9/15

2.6K 59 2
                                    

Rhigz didn't say any word. Iniwan nya lang ako ng mahimasmasan na ako at nakatulog sa sobrang pagod. Naguilty ako pagkagising na pagkagising I want to talk to him. Alam kong nasasaktan ko sya, hindi ako tanga at manhid.

"Rhigz...." Isang araw pumunta ako sa condo nya. He was just silent the whole time mula ng pumunta ako kaninang umaga. Ako lang yung nagsimulang pumutol non.

"I---" Hindi ko pa nadudugtungan ang salita ko ng yakapin nya ko ng mahigpit. Imbis na ipagpatuloy ay pinatong ko ang kamay ko sa likuran nya.

"Am I selfish?" He asked. "Alam kong nasasaktan ka Eri pero eto pa rin ako ayaw kang pakawalan." Naramdaman ko ang pagsinghot nya. Is he crying?

Balak ko sanang humiwalay para tingnan sya but he hugged me tighter. "Rhigz you are no selfish. Ako, ako yung makasarili sating dalawa. Ako yung naglagay satin sa ganitong sitwasyon."

"No" naramdaman ko na lang na may tubig na pumatak sa balikat ko. Totoong naiyak ito. "I am. Kung hindi ako umalis. Kung hindi ako umalis edi sana hindi mababaling ang atensyon mo sa iba. Kung mas pinilit kita edi sana ako pa rin yung mahal mo. I don't want you to stay just because you pity me. Gusto ko kong magstay ka dahil mahal mo ko."

"Mahal kita"

"You don't mean that Eri, I know. I can feel it." Lumayo sya sa pagkakayakap sakin. Klaro kong nakita ang pamumula ng mata nya. Rhigz is hurting.

"I mean it Rhigz" pamimilit ko dito.

"Don't push yourself. Nung nakita kitang umiiyak doon ko lang nakumpirma kung gaano mo sya kamahal. I am hurt but you are hurting more. I am no man and lover if I'll desperately push myself to you. Mahal kita Eri. Mahal na mahal kita. But if your hurting because I love you then I'm willing to set you free" namumuo na rin ang luha sa mata ko. Why do I have to hurt him? Bakit ba ang tanga tanga ko?

"Kaya pa naman nating ibalik ang lahat. Let's start from scratch. Doon naman tayo nagsimula edi pwede ulit nating simulan" Nabubuhayan ko ng loob na sabi dito.

"Kung araw araw kita ng makikitang nasasaktan, I'll choose not. Mas masakit saking makita kang umiiyak."Pinatong nya yung kamay nya sa ulo ko. "Why not fight for him instead? I'll be playing as the bridge."

Nagulat ako sa sinabi nito. "Why would you do that Rhigz?"

"I want your happiness Eri. I want you to smile again hindi yung laging lungkot na lang nakikita ko sa iyo. We can't stay forever lying what you really feel for me."

"Pero imposible Rhigz. Tama na ang lahat ng nangyayari."

"Walamg tama sa nangyayari Eri. Hangga't walang nagiging masaya walang magiging tama. I'm sacrificing my own happiness Eri and I don't want it to be put in waste"

Hinalikan nya ko sa noo. "I'm letting you go. So seek for your happiness habang kaya mo pa syang agawin. Gawin mo yung bagay na hindi ko nagawa. Kung hindi ka susugal walang mababago"

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon