MIW [17]

2.5K 54 0
                                    

Note: Malapit na ang Bitters day :D. Huwag mong problemahin kung single ka unahin mo muna yung tres mong grade 'wag puro landi ang inaautpag. :P Eto muna una kong tatapusin.

-

Hindi na ulit nagtanong si Migo tungkol sa kausap ko. Mabuti naman, wala rin naman akong dapat sabihin o ipaliwanag sa kanya.

Buong gabi ay nakasunod lang ako sa kanya. Kung saan siya pumupunta ay doon rin ako. Pilit ko siyang nilalayo kay Angel. Nakakainis nga dahil halatang kanina pa nito pilit dinidikitan yung babaeng yun. Nagtataka lang ako na walang Sir Adrian na sumulpot sa party. Gusto ko sananpg malaman kung bakit pero wala rin naman akong mapagtanungan.

"Uwi na tayo Eri" Ngiting tagumpay naman akong humarap sa kanya. Sa wakas! Kanina pa ko ngalay na ngalay at feeling ko puro kalyo na ang paa ko sa lintek na kataasang heels na 'to. Dyusmiyo kung alam ko lang na masakit sa paa yung stilleto ay nagpaa na lang ako.

"Buti naman nakaramdam ka" Ngumisi naman ito sabay hawak sa balikat ko "'Wag kang mag-alala alam kong kanina mo pa kami pinaglalayo ni Angel, Eri. Nice try. I don't think I need any explanation regarding this pero sana kung nagseselos ka sabihin mo na lang sakin para 'di ka nagmumukhang tanga"

"Kapal! Ang kapal talaga." At inirapan ko pa talaga, peste ang hangin talaga ng taong 'to. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko. "Tama na ang kakatawa nagmumukha kang retarded"

"Nagsalita ang kagagaling lang ng mental"

"Parang sya hindi eh ikaw yung kashare ko dun ng kwarto" Lalo naman itong natawa. Naglakad na ako palayo sa kanya baka mamaya pagkamalan akong may kasamang baliw. Sumunod naman siya sa likuran ko.

Hinatid niya ako sa tapat ng apartment ko at agad nagpaalam. Hindi ko na sya niyayang magkape. Hindi naman sya masyadong nakainom at wala na ko sa tamang wisyo para umasikaso ng 'bwisita' dahil inaantok na rin ako.

Kinabukasan ay nalate ako ng dating sa opisina. Pagod na pagod kasi ako kahapon, langya ka Migo, sumpain ka! Agad ko namang nakasalubong sila Jane at Pete na nagbabangayan.

"Goodmorning girl!" Bati ni Pete ng makita ako "Aba't maaga ka pa para sa uwian 'te" Sinimangutan ko naman si Pete. Magandang bungad sa empleyadong nalate.

"Ano ba yang pinagaawayn nyo?"

"Yung revlon na lipstick ni Miles. Ako yung binigyan eh etong si Pete gustong agawin sakin" Napatingin naman ako sa hawak ni Jane at sa kamay ni Pete na nakahawak sa wrist ni Jane.

"Mas bagay kasi sakin yan Jane! Akin na lang kasi!" Pagmamaktol ni Pete at medyo nakakaagaw na rin sila ng atensyon.

"Bahala na nga kayo dyan. Una na muna ako" Nagok sign naman sila at tinuloy ang pagaagawan nila. Sakto namang papasara yung elevator ng maabutan ko ito at binuksan ng nagiisang tao sa loob.

"Goodmorning Ms. Mendez" Nanlaki pa ang mata ko ng maklaro na si Sir Adrian nga ito. "Goodmorning Sir" at pinilit ko pang ngumiti.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon