**UNA**
Nandito ngayon si Mina at todo daldal tungkol sa makulay nyang love life. Nakikinig lang ako sa kanya mamaya titigil na rin yan sa pagsasalita.
"Di ba may utang pa ko sayo? Naalala mo pa ba yun?" Hmm pera ba yan? $-$ Hmm mukhang hindi, hindi naman to madalas mangutang ako pa pwede. Nang maalala ko
"Ah oo yung sa dare na pagnatalo ka" tumango tango naman sya.
"Anong gusto mong hilingin? Wag naman yung imposible Eri baka naman sabihin mo sakin bigyan kita ng pakpak o kaya sungay" natatawa tawa pa nyang sabi. Yun nga dapat yung ihihiling ko.
"Gaga syempre hindi. Gagamitin ko sana para ibili mo ko hermes o kaya gucci"
"Aba neng wala kong pera para dyan"
"Yung jowa mo meron dun ka manghingi"
"Eri hindi ko pinakasalan si Trey dahil sa pera nya"
"True love na ito~!" Natatawa ko pang sagot. Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig nakakapambuwisit na ng ibang tao hahaha.
Narinig naman na may bumubusina sa labas. Sus eto na po si Trey laging atat tong dalawa to na magkasama. Akala mo naman you and me against the world ang peg eh hindi naman. Nakapabor na nga sa wagas nilang pagiibigan ang langit at impyerno.
"Oh andyan na pala si Trey una na ko Eri"
"Sige" hinatid ko sya hanggang labasan at nakita ko kaagad si Trey dun na nakahalukipkip. "Ui Sir Trey pagyan pinaiyak mo hintayin mo ang suntok ni Manny at Mayweather sayo!" Pagbabanta ko dito.
"Don't worry I'll take care of her Eri" at yun nga umalis na yung dalawa.
Tutal linggo ngayon at wala kong pasok dahil ang pasok ko lang ay tuwing weekdays eh bibili muna ako sa grocery. Kinuha ko yung pitaka ko sa loob at nagcommute na sa malapit na SM dahil mas malayo pa ang palengke samin. Nasa kalagitnaan ako ng byahe ng may pumasok na magsyota at umupo pa sa harap ko. Hindi naman sila manok pero grabe magtukaan. Yung babae naman mukhang enjoy na enjoy pa.
No offense naman ok lang na maging pogita sila pero ang PDL ay dapat pinipigilan paminsan minsan. At ok sana kung kagwapuhan yung lalaki eh parang kuko naman ni Barney yung mukha. Imbyerna. Kaya nang natanaw ko palang yung SM eh bumaba na kaagad ako hindi ko matagalan yung view nakakabv.
Pumasok na ko sa supermarket at nagdala ng push cart. Magtataxi na lang siguro ako paguwi mukhang mapapadami ang bili ko ngayon. Nagtingin muna ako sa meat section dahil mamaya marami nanamang tao dun. Sinunod ko yung sa mga sanitary section. Napatingin ako sa lalaking parang tinatago yung napkin sa likod nya. Nakatalikod ito at may kausap sa phone
"Ano bang wings yun? Wala namang may pakpak dito ah?" Napatingin naman ako sa hawak nya. Nakalagay dun no wings. Kumuha ko ng napkin na may wings.
"Ah excuse eto yung may wing--" Natigil ako ng humarap ito sakin. At kung minamalas ka nga naman oh.
"Oh ikaw pala yan Eri" ngumisi naman ang hayop at sabay balik nung hawak nya.
"Don't tell me nagpasex change ka" asar ko sa kanya.
"Bakit ko naman gagawin yun sayang yung 9 inches kong alaga kung ipapaputol ko lang"