NOTE: 12/06/2014 Dyusmiyo paano nga ba ulit kiligin? 'Di ko maaplay sa sarili ko. T^T
Tumayo naman na sya at kinawayan lang ang mga nakatingin sa amin. Ang kapal talaga ng mukha feeling artista.
Agad ko syang hinila palayo sa mga matang nakatuon samin. Hindi naman sa may responsibilidad ako sa kanya. Pero ano bang ginagawa niya dito? And as I can remember eh pinaban na ang pagmumukha nya dito sa kompanya.
"Morning Eri baby, break it down Yo!" Isang malakas na batok naman amg natanggap nya sakin matapos nyang sabihin yun. Langya nakadrugs na naman ba to o nakahithit ng katol.
"Ano nga sabing ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok?"
"Bibisitahin ko si Angel. Sa pintuan malamang" Agad na nagsalubong ang kilay ko at anytime maauppercut ko na sya. Langya nakakaubos ng pasensya.
"Tino mong kausap grabe Migo. Disguise disguise ka pang nalalaman mukha ka namang jologs na natripan lang na maging swagger dyan sa kanto. Sige na una na ko! Babush!" At naglakad ako palayo habang kinakawayan sya ng nakatalikod.
Naramdaman ko namang sumunod siya sakin. Hindi ko pinansin ang presensya nya at dumiretso sa cafeteria dito sa loob. Nakita ko si Pete na nakatayo pa rin doon at mukhang inip na inip na.
"Ui Pete sorry natagalan" Pero hindi sya sakin nakatingin kundi sa lalaking katabi ko na ngayon.
"Sino yang holdaper na kasama mo girl?" Maarte nitong tanong.
"Yo Pete!" Sabaya tanggal ng shades nya at kindat kay bakla. Halos naman lumandusay ito sa pagkindat nitong lalaking 'to.
"OEMGEE MIGO!" At umangkla ito kay Migo na parang pogita at talagang hinawi pa ako sa tabi nito "Liligawan mo na ba ako? Wala ng tanong tanong YES NA! TAYO NA!"
Nakatingin na naman yung iba sa direksyon namin. Ang bunganga talaga nito ni Pete walang preno.
Tumawa naman si Migo. "Well, I'll consider that option next time pero sa ngayon may binibisita kasi ako dito"
Natangal ang braso ni Pete dito sabay palingon lingon sa paligid. "Eri istatue he is talking about?"
"Mukha ba kong napatol sa taong katulad nya? Naaaa~" at sinamahan ko pa ng hand gesture na talagang paayaw.
"Napatol agad agad? Di ba pwedeng may kailangan lang yan sayo echoserang 'to" Inirapan pa ko nito at hawi sa buhok nyang akala mo naman lagpas ng tenga eh mukha ngang semi klabo ang gupit. "Ako na nga bibili ng kape samahan mo muna si papa Migo. Amin na pera mo girl" at naglahad ito ng palad na agad ko namang inabutan ng pera.
Umupo ako sa malapit na lamesa doon at sumunod sa akin si Migo. Tinanggal na nito ang bonet at shades na nagtatakip sa mukha nya kanina. May ilang patak pa ng pawis sa noo nya. Mukhang mainit talagang magsuot mg bonet.
![](https://img.wattpad.com/cover/15076401-288-k369963.jpg)