Agad kong tinago yung libro ng napansing papunta na sya sa sala. Mukha pa akong natangang napangiwi ng makita ang itsura nyang nakaapron at bumaba ang tingin ko sa labi nya. Shipness na kalabaw! Bakit kung saan saan dumadako yung tingin ko?
"Natatae ka ? May CR ako walang bayad de flush pa!" Agad kong hinagis yung unan mula sa sofa sa mukha nya. Kung ano-anong sinasabi.
"CHE!"
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at dumiretso sa kusina. Naamoy ko kasing may pagkain na at kumakalam na ang sikmura ko.
"Hindi ka naman masyadong excited kumain nyan?" Tiningnan nya yung plato kong may kanin at adobong baboy na niluto nya. Infairness mukhang edible sya hahaha.
"Hindi. Nakikita mo naman di ba?" Sumusubo na ko ng pagkain ng nakatayo pa rin sya at di gumagalaw don. Pangisi ngisi pa na parang baliw. Mukhang nakalanghap ng masamang enerhiya ang mokong.
"Nakadrugs ka ba? Ngumisi ngisi ka pa dyan." Tumawa naman ito at umupo sa tapat ng inuupuan ko. Rectangle kasi yung hugis ng lamesa.
"Hindi naman. Mukha ka pa lang baboy pag gutom" At dahil malapit sya sakin, inapakan ko yung paa nya ng sobrang diin.
"Shit!" Natumba pa sya sa kinauupuan nya with matching hampas na may kalakasan sa ulo nya sa sink ng lababo dahil higante kasi syang tao.
"Hahaha buti nga sayo~" tumatawa pa ko habang mukha syang tanga doong namimilipit. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkain ng mapansing hindi sya kumikibo.
Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Hoy ayos ka lang?" Lumapit ako dito. Nakapikit ito na parang may iniindang sakit.
"Ui buhay ka pa ba? Ui Migo! Migo!" Inuga-uga ko ang katawan nya pero tanging pagpikit at pagungol ng mahina ang response nito sakin. Tiningnan ko ng mabuti ang kalagayan nya, Shit mukhang may malaking pasa sa binti nya.
Panic na panic akong nagiikot sa kusina. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?
"E-eri" Napatigil ako sa pagikot at napatingin sa kanya. Ok hingang malalim kalma Eri. Kalma. Walang magagawang solusyon ang pagpapanic mo.
"Migo wag ka munang mamamatay! Tatawag lang ako ng tulong" Aalis na dapat ako ng maramdaman yung kamay nya sa paa ko.
"T-tulungan mo na lang akong tumayo"
"H-huh?"
"Dalhin mo ko sa kwarto" Bigla naman akong natauhan at pumwesto sa tabi nya para alalayan.
"Kumapit ka sa balikat ko" Ipinatong nya yung braso nya sa balikat ko at dahan-dahan syang inalalayan. Ang bigaaaaaaaaaaaat~!
"Kaya mo ba?" Hindi sya sumagot pero pinilit nyang iangat yung sarili nya kaya di na rin ako nagtanong. Pasalamat ako at malapit yung kwarto nya.
Agad ko syang inihiga ng makarating kami sa kwarto nya.
"S-sa cellphone sa desk tawagan mo si Dr. Philip" alam kong nahihirapan sya ngayon. Takte kasalanan ko ba? Sya kaya nanguna! Bakit nagtutunog akong defensive? Ngayon pa ba magtatalo ang utak ko kung kelan emergency! Manahimik nga muna kayo!
-------
"Kamusta ho sya?" Nang makalabas yung doctor mula sa kwarto nito.
