Bakit ngayon ko lang narealize yung bagay na yun. Kasi naman common masyado yung pangalang Angel pero what a coincidence yung demonyong anghel na kilala ko pala ay ang syota nitong Migong to.
"Sinong demonyo?" Buti hindi nya nagets.
"Wala! So that's angel" sabay turo ko dun kay devil na kuntodo pose.
"Oo. Ang ganda nya no" titig na titig ito sa modelo na parang anghel na bumaba sa kalangitan susko ang ugali mukhang hiniram naman sa impyerno.
"Oo ang ganda nya" pinilit ko hindi lagyan ng sarcasm yung salitang binitiwan ko. Ewan ba kung bakit ang bitter ng ugali ko kay Angel.
Professional naman pala sya pagdating sa modeling. Ayoko lang sa ugali nya masyado syang nangmamaliit sa mga taong hindi nya kalevel.
"Kung ako sayo wag mo na lang syang kunin pabalik" Migo I'm helping you right now. Kahit naman hindi kami friends gusto ko pa ring makatulong sa kanya. I just don't feel the vibes with Angel. Girl instincts yata ito.
"Why not? She's been apart of my life. I also considered her as my fiance" Nagkamali ka sa desisyong yan.
Hindi ko na lang sya sinagot. Naglakad ako malapit sa mga ito pero yung tipong tama lang para hindi ako mapansin. Nakita kong kasama pala si Jane hawak pa rin nito ang voodoo doll na sinasakal nya ngayon.
"Let's take a break first" sabi nung photographer. Umalis naman sa kinatatayuan nya si Angel at maagap na inassist ng PA nya.
"Cold water without ice" she motioned na agad namang sinunod nung PA.
Napansin kong nasa likuran ko na rin si Migo. Nagtangis ang bagang nito ng mapansing ang paglapit ni Sir Adrian kay Angel at paghalik sa pisngi nito. Mukhang hindi ako nagkakamali sa hinuha ko na may something sa kanilang dalawa.
"Who's that bullshit? I'm gonna kill him!" Pigil galit ni Migo.
"Chillax men. VP yan nang kompanyang pinagtatrabahuhan ko walang wala ka dyan no"
Nagsmirk ito na parang napakababaw lang ng sinabi ko "Just VP? Kaya ko syang patumbahin"
"Hay just take Angel back wag ka ng mandamay pa ng ibang tao. And she's not the really worthy of you Migo" I answered rolling my eyes heavenwards.
"Kanina ko pa napapansin na ang laki ng galit mo kay Angel" bumuntunghininga muna ako bago ko sya sinagot.
"Ok ayoko ng magsinungaling. I met her at the company. Ayoko sa ugali nya Migo! She's a bitch. How can you love someone with a bad attitude? Masyadong natingin sa estado ng isang tao. She also want to wreck someone's life as she please." Tumawa naman ito sa sinabi. Don't tell me...
"Love is blind Eri" so he already knows it.
"Migo love is not blind. Sadyang may mga taong nagmamahal ng sobra that they couldn't even see one's imperfections."
"And that's it I can't see her imperfections Eri" at sa totoo lang ilang beses nya ba ko babarahin sa buong kwentong to?!
"Yeah yeah ok fine WHATEVER!"
Nagpatuloy kami sa pagsubaybay sa galaw ni Angel. Ilang beses nya ring inutusan si Jane na konti na lang sa sabog na ata sa sobrang inis.