NOTE: I'm Back! Haloooooo~ \(^O^)/ Sunod sunod n tong update mga 7 chapters na lang tapos na ito. Tatapusin ko na talaga to. PM sa mga katanungan at demands. Bear with the grammatical errors and typo. Saka ko na ieedit :D
------
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at matagal kong tinitigan ang mukha nya. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko pero alam kong may mali talaga sa nararamdaman ko ngayon.
Banayad nyang hinaplos yung pisngi ko at ngumiti. "I really miss you Eri." At hinalikan nya ko sa labi. Isang halik na punung puno ng pangungulila and I returned his kiss but not with same intensity and feelings. Pinakawalan naman namin ang labi ng isat isa ng kapusin kami ng hangin.
"Tara umupo muna. Kadadating mo lang ba? Hindi ka ba napagod? You should have rested" At iginiya ko sya na maupo sa sofa pero agad nya yung tinangihan.
"May gagawin pa kasi ako Eri. Talagang dumaan lang ako para makita ka. I'll be back tomorrow, I promise" And he held my hand sabay halik dito. Tumango naman ako.
Hinatid ko sya hanggang pintuan. "Mag ingat ka" Tumango din ito katulad ng ginawa ko kanina at isang mabilis na halik sa labi ko ang ginawad nya "I'll see you tomorrow" and I watched him leave.
Isasara ko na dapat ang pintuan ng mahagip sya ng mata ko. He is leaning on the wall while his both hands were on his pocket. Hindi ako gumalaw habang tinititigan ko sya. Bakit sya nandito? Marahan itong naglakad palapit sakin.
"I see" una niyang sinabi ng makalapit sya sakin. Nagtaas ako ng kilay. "Anong gina--" hindi pa tapos ang sasabihin ko ng hawakan nya ang labi ko at punasan iyon gamit ang kanyang hinlalaki.
"Palitan natin" Hindi ko sya naintindihan at nagulat na lang ako sa sunod na ginawa nya. Nakalapat na ang labi nya sa labi ko. Hindi ito gumalaw, hindi rin ako nakagalaw. Hindi rin nagtagal ay lumayo sya sakin. "I can't help it, sorry"
At kasabay nun ay umalis na rin sya. Nakatanga lang akong naiwan na nakatayo doon. Gaga ka Eri easy to get? Bakit nagpahalik sa lalaking yun? Nandyan na si Rhigz and you should only concentrate on him. Tengene naman kasi si Migo ginugulo ang isip ko. Napahawak ako sa dibdib ko na tipong tumakbo ako mula first floor nitong apartment building. Hindi ko naramdaman ito kay Rhigz kanina.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko pero pinigilan ko lang.
Hanggang sa pagtulog hindi ako tinigilan ng halik ni Migo. Thanks to that may dalawang itim na sako ang mata ko ngayon.
May kumatok sa pinto na agad ko namang pinagbuksan. There he was looking handsome and all. Nakatuck in yung long sleeve nito sa maong nya and his sleeves were rolled up hanggang sa siko nya.
"Are you alright babe?" At inispeksyon nito ang mukha ko. "Mukhang kulang ka sa tulog" Umiling naman ako.
"Ok lang ako" At binigyan ko sya ng tipid na ngiti. "Sinusundo mo ba ako?"
"Uhuh" At agad nya naman akong inakbayan. "Katulad ng dati I'll pick you up and drive you home" Oo nga pala sa tagal nyang nawala, nawala na rin yung mga nakasanayan kong bagay na ginagawa nya. He is so ideal kahit sinong babae eh magugustuhan si Rhigz and I am no exemption.
"That's sweet" Pinisit ko pa ang pisngi nito.
"Of course anything for you. If you want we can spend the whole day together" Ngayon? Pero marami akong gagawin at may project kami na tinatapos.
"I'll pass today babe. Maybe tomorrow" Tumango naman ito. "Sure" Nagdrive na sya at marami syang kinuwento sakin pati ang pagbigay daw ni Trevor sa kanya ng scarf na ginawa ko. He even told me na may crush daw iyon sakin na tinawanan ko lang.