MIW [12]

2.8K 53 1
                                    

NOTE: Updated 11/25/14

Lahat sila natahimik at pagkatapos ng maiksing katahimikan lahat sila nagtawanan. Hindi ko alam na may nakakatawa pala sa sinabi ko. As I can remember seryoso ko lahat na binitawan yung mga salita ko. Higit kong ikinagulat ay ang pagakbay ni Jigo kay Migo at parang magtropa silang nagusap ng kaswal.



"Tara pare tayo na lang magsabay" sabi ni Jigo dito.



"Oo nga tara!" At nagtawanan pa talaga ang dalawa at nauna ng umalis samin na hindi man lang ako nilingon. Tiningnan ko naman sila Jane na parang kulang na lang eh gumulong sa sahig sa sobrang tawa.


"Salamat sa support friends ah. Naappreciate ko grabe!"


"S-sorry E-eri woooh grabe nabuo ang araw ko dahil sayo" sabi pa nito. "Sa amin ka na lang pala sumabay"


"No thanks. Okay na kong magcommute" Agad ko namang pinara yung taxi na dumaan. Sumakay na ko at silang lahat na natira ay nanatili lang dun habang tinitingnan ako na hindi mabura ang mga ngisi sa labi. Mga langya kaibigan ko ba talaga sila? Lakas makamoral support.


Hindi ko na rin inintindi yung dalawa. Maybe guys are still guys. Hindi mahirap magkasundo ang mga lalaki. That's the only thing I like about their gender. Gender equality please.



Nakarating ako sa bahay ng mga alas diyes na rin ng gabi at katulad ng nakagawian eh matutulog na ko. Nagbihis muna ako ng pantulog at naghilamos. Hihiga pa lang sana ako sa higaan ng makita kong may nagpop up sa skype ko. Hinahayaan ko kasing bukas yung laptop ko pag may mga trabaho akong hindi pa natatapos.



Agad ko yung tiningnan at nakita ko ang message ni Rigz. *Let's skype*. Agad ko namang tinangap yung tawag nya.



"Eri I miss you" Ang malambing na bungad nito sa monitor. Halatang kagagaling lang nito sa trabaho dahil nakaformal suit pa ito. 



"I miss you more" May ngiti sa labi kong sagot. "About dun sa pinagawayan natin nung nakaraan--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ito.



"Okay na Eri. I get it. Sorry for being immature. Sorry" Nakita kong sincere na sincere nitong sinabi yung mga salitang iyon. 


"No. Rigz you're not immature and you don't need to be sorry. It's also my fault na hindi ko man lang sinaalang alang yung feeling mo. I've been rude to you. I promise babawi ako pagbalik mo"



"Oh because of that I can't wait to go back! I wish tomorrow I can see you, I can damn see you" And that felt like a full blast of intensity inside my body burst. Pumikit ito at hinimas ang sintido. 


"Ayos ka lang ba? Pagod ka na ata eh mabuti pa magpahinga ka na"



"No. No. Ayos lang ako, I want to talk to you more. Please Eri" Tumango naman ako. "Kamusta na pala sa kompanya? I heard Adrian is dating the model in the company" 



Ah oo yung malanding haliparot na anghel na may sungay. Bigla kong naalala si Migo. Shitbrix I forgot telling Rigz about him.


"I heard it too eh" bumuntunghininga ako "Rigz I have something to tell you pero ay wag na nga!" Wag ko na ngang sabihin baka magalit eh.


"What is it Eri? Is it about someone? A guy?" May panghihinala sa boses nya. 



"Ho-ho-hoho ano ka ba Rigz manghuhula ka ba?" At tumawa pa talaga ako pero naging mas lalong seryoso ang itsura nito.


"Eri" may warning na sa boses nito.


"Wait. Eh galit ka na eh wala pa nga kong sinasabi" Nagpacute pa talaga ako at parang batang ayaw magpaagaw ng lollipop.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon