Note: Basahin hanggang sa dulo. Angel's POV yung pinakahuling chapter yun lang mwa mwa. Completed na to.
Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Rhigz dahil sabay kaming pupunta para sa fitting ng damit namin sa kasal. Alam ko, oo na. Ang saya lang na gawing abay nila. Gusto ko sanang tangihan but Migo forced me. Kundi daw ako magiging abay nya ibig sabihin lang ay bitter daw ako sa kanila ni Angel. Which is actually true but no I won't tell him that. Sakin na lang yon.
"Bakit busangot na naman yang mukha mo Eri?" Me and Rhigz are in good terms na talaga. Wala ng awkward moments oh ano. Friends na kami ngayon. Masaya ako na hindi kami naging katulad sa mga ibang naghiwalay na naging total strangers na sa isa't isa.
"Hindi naman eh"
"Oo kaya." Narinig kong bumuntunghininga ito ng malalim. "Masyado bang late yung paglet go ko sayo? I know how much you love Migo. Kaya mo ba talagang umattend sa kasal nila?"
Natahimik naman ako. Kaya ko nga ba? Hindi. Mas magandang sabihin na kakayanin ko. " You know me Rhigz. I'm tough. Kung hindi ko man kaya, kakayanin ko. Mas okay ng mamulat na ko sa katotohanan ng mas maaga. Okay na yun para matangap ko na kaagad na hindi kami pwede"
"Kaya nainlove ako sayo eh" Natawa naman ako sa sinabi nya at sinuntok lang sya sa balikat na ikinatawa nya rin.
We reached the place kung saan nandun yung mga magsusukat samin. Their wedding motif is color royal blue. Matutuwa sana ako kasi yun yung pangarap kong motif pagkinasal ako but well pwede ko naman yun gawin pagkinasal na talaga ako sa nakatadhana sakin.
"Doon muna ako" Sabay turo ko dun sa mga nagsusukat. Hiwalay kasing sukatan ang mga babae at lalaki.
"Sure"
Pagpunta ko doon ay agad kong nakita si Nads. She looks irritated habang pinapaikot sa katawan nya yung tape measure.
"Nads" Napalingon naman sya sakin at kahit hindi pa ata sya tapos sukatan ay nilapitan nya na ko.
"Eri! Itanan mo na si Migo" Natawa naman ako sa inasta nya na parang batang nagmumukmok. " You know I hate Angel. Tapos ngayon magpapakasal sila! Eri dapat ikaw na lang yung ikasal kay Migo"
"Hindi naman pwede yun. Malay mo sila talaga yung nakadestined para sa isa't isa"
"Dyusme destined? Kung yan ang ibig sabihin ng destined aba papatayin ko yung walang hiyang destiny na yan. Panira ng buhay" Napapatingin na samin yung ibang tao sa sobrang lakas ng boses ni Nads. Napakaprangka nyang tao at wala syang pake marinig man sya ng ibang tao.
"You should tell Migo about what you think. Ako kasi tangap ko na Nads."
"I did pero ayaw nyang makinig. Eri I know you love Migo." Nanlaki naman yung mata ko. Eri magpangap kang inosente!
"Hindi kaya!"
"Oh don't deny it sis. Masyado kang transparent and easy to read. Alam kong mahal mo sya. If you love him then fight for him habang kaya mo pa syang agawin"
Sumuko naman ako. Ganoon pala ako kadaling basahin.
"Ayoko ng sumubok Nads. Tangap na tangap ko na. Ang kailangan ko lang ngayon ay isara 'tong puso ko sa kanya. Pagnakita ko siguro silang ikasal then siguro marerealize kong sila talaga, hindi ako"
Ngumiti naman ito. "Ano pa bang magagawa ko?"
Napalingon naman ako doon sa nagsukat sa kanya kanina. Mukhang hinihintay yung pagbalik nya.
"Magpasukat ka na ulit doon. At wag mong pagalitan yung nagsusukat sayo wala syang kasalanan"
Natawa naman ito. "Oo nga eh. Sige balik na ko"