MIW [16]

2.8K 47 0
                                    

NOTE: Mahaba-haba ito kaya pagtyagaan :)))

Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon ni Migo. Medyo mabilis pa ang pagpapatakbo niya kaya hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama at mapahawak sa upuan ko ng mahigpit.

"Goodness akala ko mamamatay na ko sa bilis mong magpatakbo!" Inis kong sabi dito ng nakaparada na kami sa labas ng isang kilalang botique.

"Matagal mamatay ang masamang damo Eri" I rolled my eyes heavenwards and mumbled words and even cursed him. "Bumaba ka na"

"Thank you ha napakagentleman mo po" At pabalibag kong binuksan yung kotse at pabalibag ko ding sinara. "Ingat ingat naman bago lang 'to eh!" Sabi niya pa sakin sabay himas sa bumper ng kotse nya. Langya ako pa talaga eh siya nga kaskaserong drayber eh.

"Tara na sa loob" At nauna siya papasok doon sa botique. Aba't yayamanin talaga 'tong mokong na ito. Pagpasok pa lang ay may mga babae ng bumati sa amin. Maganda ang loob at halata sa mga damit na parang may nakakabit na ginto sa mahal ng mga ito bawat isa.

"Hi Migo long time no see ah" Sulpot ng isang magandang babae. Kung tatansyahin ay magkasing edad lang ata kami. She look sophisticated, nakakamangha. "Yeah long time no see Nads" and she hugged her na mukhang magkakilala talaga silang dalawa.

"So what are you up to?" Sabi nung Nads and diverted her gaze on me "Hi! What's your name? Are you his girlfriend? Or maybe not I think he's still madly inlove with his psychotic bitch girlfriend oh I mean Ex" And she laughed hard. Natawa na rin ako sa pagiging straightforward nito at parang magkakasundo kami sa pagdating sa usapan tungkol kay Angel.

"I'm Eri Yeah we feel the same way. Hindi nga siya makamove on eh" At ngumiti ako sa kanya pabalik.

"Tama na nga lakas niyong mang alaska. Just get me and this girl a dress may aatendan kaming birthday"

"Yes sir Migo!" At naghand salute pa ito kay Migo bago inutusan yung mga kasama nito na asikasuhin kami.

May lumapit sa akin na dalawang babae. Nilapitan din ako ni Nads. "Kanino kayong birthday pupunta nung siraulo?" Tanong nito. Gusto kong matawa sa ginamit nitong term na 'siraulo' "Angel's grandfather." Napahampas naman ito ng noo.

"Baliw na nga talaga" tumango-tango naman ako. May hinigit si Nads na damit mula sa mga hilera at tinapat sakin sabay ngiti nito. At sunod sunod na syang may binigay sakin "Try fitting it. Ako na lang magsasabi kung anong mas bagay."

May kwarto kami na pinasukan, sa loob non ay may complete make up sets at full body mirror. Umupo si Nads sa isa sa mga upuan at nagpalit na ako sa dressing room sa loob. Nakasukat ako ng lima hanggang sa ngumiti na sya sa pinakahuli kong sinuot sabay thumbs up "It looks really good on you Eri." At inayayahan akong umupo doon sa tapat ng salamin "Anyway what's your relation with Migo. Fling?" Nagsalubong naman ang kilay ko non.

"Hindi no!" Depensa ko kaagad "Ah paano ko ba sasabihin magkaibigan ata kami?" Hindi ko pa siguradong sagot dito.

"Baka naman magkaIBIGAN" and she smiled, a playful smile.

"Hindi talaga promise. He is obssessed with Angel and I, on the otherhand eh may boyfriend kaya imposible" Bigla namang lumungkot yung mukha nito.

"Ay akala ko single ka sayang matchmaker pa naman sana ako para sa inyo" Naasiwa ko naman siyang tiningnan mukhang may tama din sa ulo 'tong babaeng 'to kahit maganda. "I've known Migo since elementary pero currently hindi na kami masyadong nagcocommunicate busy din kasi ako pati siya. Pero hindi ko alam na obssess pa din siya sa Anghelita na iyon. That bitch which cause my boyfriend and I broke up when we were in high school, curse her" And she swayed her hand like saying it's ok anyway "She's a total freaking bitch pero etong tangang Migo nahulog sa kanya alam mo kung bakit?" Tumingin siya sakin.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon