NOTE: Another update for this story. Salamat sa mga bumabasa :)
-------
Hinanap ko na sya ng maglunch break baka pagkamalan pa yung pulubi na pagala gala sa building. Lumapit ako kay Manong Isko, isa sa mga guard dito sa opisina.
"Manong Isko may lalaki ho ba kayong nakita dito matangkad po sya, maputi, tapos medyo chinito" at mukhang abnormal gusto ko sanang idugtong.
Napahawak naman ito sa likod ng ulo na parang nagiisip. " Ah ineng yun ata yung pinalabas kanina sa building dahil nangulo sa opisina ni Sir Adrian"
"Ho? Asan ho sya?" Agad naman akong nagpanic. Ano nanaman kayang kalokohan ang pumasok sa utak nya at nangulo pa talaga sya. He's insane, no doubt.
"Ay hindi ko alam ineng pasensya ka na"
"Ah sige ho salamat"
Agad naman akong lumabas para sana'y hanapin sya. Kahit naman papaano concerned ako sa tao. Sinubukan kong kontakin yung cellphone nya pero cannot be reach. Peste Migo ano ba naman kasing pinagagawa mo?!
Agad namang nahagip ng mata ko si Angel na magisang naglalakad palabas ng building. Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Where is he?" Napatigil ito sa paglalagay ng lipstick sa labi at tinaasan ako ng kilay.
"Where is who? Who are you talking about?" Pesteng make up yan nagmumukha syang payaso. Maihire nga sa nalalapit kong birthday.
"Si Migo, asan sya?" Nagtaas sya ng kilay and she rolled her eyes heavenwards
"I don't know and I don't care." At nilagpasan nya ko ng habulin ko sya ulit at hilahin sya paharap skin
"Alam mo matagal na kong nagtitimpi sayo. I don't know what's with you na gusto nya at hinahabol ka pa rin. You don't deserve happiness and still he is willing to risk his all para mabalik ka sa kanya. Such a lucky bitch you are , isn't it?" Tangkang sasampalin nya ko ng mapigilan ko ang kamay nya.
"Are you his lover? What the hell! If you want him then go after him I don't care just leave me alone!"
"Leave me alone" mimicking her voice "Hindi ako manghihimasok sa inyo but one thing is for sure you'll be begging for him" at tinalikuran ko na sya.
"Bitch" I heard her say but ignored it because that's an adjective for her to absorb.
Kinuha ko lang yung bag ko bago nagpaalam umalis. Ang sabi ko na lang na urgent yung pupuntahan ko. Naglakad ako papuntang parking lot hoping na nandun pa yung kotse nya at nandun pa nga ito. Nandito lang sya hindi pa sya umaalis.
Nilibot ko yung paningin ko at dun ko sya nakita, nakasandal sa puno ng nara at mukhang may sugat at pasa sa mukha. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan nito. Unti-unti naman syang nagtaas ng ulo.
"Gago ka ba?" Tanong ko sa kanya ng nakapamewang pa. Ngumisi naman ito na akala mo nakahithit ng marijuana.
"Ganito na nga kalagayan ko minumura mo pa ko. Konsiderasyon naman. Paano mo na nga pala nalamang nandito ako?"
"Matalino ako kaya nalaman ko." at umupo ako sa tabi nya. Napansin ko ang alcohol at bulak sa tabi at agad tiningnan yung mukha nyang may tatlong pasa at labing may sugat. "Mukhang nanack-out ka. Ang tanga mo naman pagilag lang di mo pa nagawa"
"Eh hindi nakapalag eh." Binatukan ko nga para magising sa kahibangan nya. Pero sya tumawa lang.
"Tumatawa ka pa dyan. Ano bang nangyari at umabot pa sa ganyan?"