Chapter 2

1.3K 21 2
                                    

CHAPTER 2:

(Property of LetMeBeMysterious)

Grabi talaga yong nangyari dun kanina. Masyado kasi akong napahiya. At nakakaasar pa iyong mayabang na yon! Sinabihan ba akong tatanga tanga daw? 

Tsk kalimutan na nga lang.

Ang ganda talaga ng school nato, pagbungad mo pa lang sa student lounge makikita mo na agad ang nagagandahang school buildings na yong iba may mga tower pa na matutulis na parang palasyo lang nila Cinderella. Oh asan ka pa noon? Grabi talaga pag- iisip nitong si writer!

Tapos isama mo pa ang mga gwapo at nagagandahang studyante na halatang may breeding. Makasalubong mo lng talagang mabubusog na mata mo,at paniguradong di ka na gugutomin ng isang linggo. Hahaha syempre joke lang. Makapasok ka lang sa eskwelahang ito talagang wish come true!

Gusto niyo malaman kung bakit ako napunta sa skwelahang to diba?

Ganito kasi yon, dati akong mag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Hindi naman sa nagmamayabang pero meron din naman akong BRAIN kahit medyo bitin lang sa BEAUTY. ^___^v

Last school year biglang naghanap ng S.A(Student Assistant) ang Gateway Academy. Madaming nagbaka sakali na makuha. Apply and exam then interview. (Imba kasi school nato, e sa high standard naman kasi sila. At isa nga ako sa mga nagbaka sakali. At sa kabutihang palad binigay ni Lord sakin ang chance na ito.

At ito nga ako ngayon, isang S.A ng Gateway Academy. Sabi kasi ng marami pag product ka ng school na to, e titingalain ka na daw... and to the fact na maraming mayayaman dito baka sakaling makilala kang isa man lang sa kanila tapos malay mo may-ari pala iyon ng isang companya or may mataas na posisyon sa isang malaking companya so matutulungan kang maghanap ng trabaho diba? Oh...

Oh 'yan ang dahilan kung bakit napunta ako ditto.

Back to reality ...

Hinahanap ko kung san ang papuntang teachers office, kasi kailangan kong mag report kay Sir Garcia before 7am. Pag tingin ko sa relo ko 6:30am na.

Makapagtanong na nga lang. Timing naman kasi may nakaupong grupo ng mga estudyante malapit sa lobby ng school.

"Am excuse me?? Pwedi magtanong?"

Natigil sila sa pag-uusap at tinignan nila ako na para bang ngayon lang sila nakakita ng tao? Hala mga alien ba mga 'to? Pero ang gaganda naman nilang alien.

"What is it?"sabi nung isang babaeng mahaba ang buhok na lampas balikat. Mukhang mayaman.

Tinitingnan ako na parang Anong-ginagawa-mo-dito look.

"Ah, tanong ko lang kung san dito ang daan papuntang teachers office?"

"Go straight to that way and turn left, 1st building that's it."

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon