Chapter 19

673 7 0
                                    

Chapter 19:

(Property of LetMeBeMysterious)

Enna's POV:

Matuling lumipas ang mga araw.

It's first day of school in a week na naman. Yeah! Lunes na lunes.

Maaga akong pumasok kaya maaga din akong natapos sa gawain ko as S.A.

Pagkatapos na pagkatapos ko sa Gawain ko ay agad akong pumasok sa classroom namin.

Busy na busy ang lahat sa gagawin nilang performance this coming Wednesday. Kyaaaah! Buti pa sila!

Samantalang ako kami ni shan ay wala pang nagawang pag iinsayo kahit isang beses lang. T__T

Manganganib ang grades ko nito which is di ko gustong mangyari.

Pero napaka awkward kasi samin ni shan ang magkalapit sa ngayon.

After ng mga nangyari, pero kung paiiralin ko ang pride ko ngayon siguradong manganganib na ng tuluyan ang grades ko.

Pero sana din naman maisipan din ni shan sa ngayon na isantabi muna ang pride o yang gap na meron kami. Whew.

Nakayuko ako sa desk ko ng nilapitan ako ng classmate ko na si abby.

"Hi? Hindi ko ata kayo napapansin ni shan na nag-iinsayo?"

Hala? Ganun ba kami ka obvious?

Tumingala ako mula sa pagkakayuko at sumagot.

"Ha? Ahm nag-iinsayo naman kami during our vacant time." Pagsisinungaling ko. Huhuhuhu God forgive me for lying.

"Ganun ba? Okay, so goodluck na lang sa performance day." Saad nito.

"Sige, goodluck din"

Tumalikod na ito at pumunta sa partner niya.

Nabo-bore ako. Hmmm, wala man lang akong makausap.

Naglingon-lingon ako ng mahagip ng paningin ko ang isang organ.

Biglang may pumasok sa utak ko. Matry ko nga to kung marunong pa ba ako nyan.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng organ.

Ang ganda naman ng instrument na to, halatang mamahalin. Tatak YAMAHA pa huh?

Saglit ko itong tinititigan, nang di ko na matiis ang sarili ko ay nagtanong ako sa kaklase kong si Harold Holy kasi siya ang malapit sa organ baka kilala niya kung sino man may ari nito.

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon