Chapter 32:
(Property of Letmebemysterious)
Enna's POV:
Panibagong araw na naman. Ilang tulog na lang at magsisimula na ang araw ng foundation festival ng school. Bawat studyante sa class namin ay may kanya-kanyang Gawain sa one week celebration na 'yon at kami nga ni shan ang magkakasama sa iisang Gawain which is the COUPLE BOOTH.
Grrr... sa dinami dami ba naman na pwede kong makasama siya pa. Okay naman kami ni shan, pero minsan talaga nakakailang siyang kasama. Kasi minsan hindi ko talaga maintindihan timpla ng ugali niya.
Nasa school na ako ng Makita ko ang ibang studyante na abala na din sa pagtayo ng kanya-kanyang booth. Sa bungad palang ng gate nakahilira na ang mga food carts. Mga studyanteng nasa cooking department ang nakaassign sa mga 'yon.
Sa kaharap naman ng mga booth na ito ay mga mesa kung saan pwede ka magrest or magrelax. Ang daming binuboong booth hindi ko na mabilang. May malalaki at maliliit.
Nasa classroom na ako, napansin ko na din ang mga classmate ko na abala na sa kanilang magiging booth.
"Wow, kina career niyo na talaga yan rold?" tanong ko sa kaklase kong si Harold.
"Oo e." maikli nitong saad.
Nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng desk ko. Paglapag ko ay siya namang paglapit sakin ni Justine.
"Girl! Swerte mo sa partner mo, na si fafa shan!" nakikilig na saad nito.
"Oo nga! Imagine whole day kayong magkakasama?" commento pa nong isa.
"Magsitigil nga kayo, kung kayo gustong-gusto yon ako naman hindi." Sabay lapit ko sa desk nina rex at tumulong sa paglalagay ng eche-buretche sa ginagawa nilang souvenir.
"Asus! Kunwari ka pa!"
"E kung pwede lang mag change partner ginawa ko na!"
"Oh talaga?"
"Oo naman. Hays, ayokong makasama ang damuhong yon lagi lang nasisira araw ko. After what he did? No way!"
"Talaga?!" boses ng isang lalaki na nakatayo sa likuran ko. And I already know who he is. Oh my gosh! Correct me if I'm wrong, Shan Limuel Castro???
Dahan-dahan akong lumingon. Nang maconfirm ko na tama nga ang iniisip ko ay bigla kong binalik sa harapaan ko ang aking mukha. Oh my G! siya nga!
Natahimik naman ang mga kaklase ko. Lahat sila ay binaling na lang ang paningin sa mga ginagawa nila. At ang iba na kasama ko kanina ay lumipat ng pwesto, kaya naiwan na lang akong mag-isa sa area na yon.
BINABASA MO ANG
Making Love
Teen FictionFirst story ko po ito... sana magustohan niyo. ^_^ Makwela po ang story.. pls give time to read po.. ^_^ a story of a girl who used to be inlove with someone who used to be her childhood sweetheart. anyway para po di kayo mahirapan sa pag imagine ch...