Chapter 20

706 9 0
                                    

Chapter 20:

(Property of LetMeBeMysterious)

Enna's POV:

Nakakapagtaka talaga ang biglang pagkabait ni shan sa'kin, ano 'yon? Trip lang?

?__?

Pero bahala na nga, mainam na din 'yon para hindi na kami mahirapan pa sa magiging performance namin. Natapos klase namin na ganun ang iniisip ko.

Wala man lang akong naintindihan sa klase namin ngayon... huhuhu.

Maaga ko din natapos ang trabaho ko bilang S.A kaya hinihintay ko na lang si shan dito sa may guardhouse ng school. Sabi kasi nito kailangan daw naming magpractice.

Pumayag naman ako since 7pm pa duty ko ngayon sa Nash-o-meal. Kailangan na kasi talaga namin makapagpractice kasi 2days na lang before the performance. Rush na to.

Asan na ba kasi ang damuhong 'yon?

Mga 16mins din akong naghintay ng may humintong kotse na kulay itim sa harap ko.

Bumaba ang salamin sa may driver, at bumungad mula dun ang mukha ni shan.

"Get in!" bossy na saad nito.

Napabuga muna ako sa hangin bago tumalima.

Bubuksan ko sana ang pinto sa may upuan na katabi ng driver pero nagbukas ito at iniluwa ng bintana ang mukha ng bruhang si princess.

'Ang babaeng to~' sabi ng isip ko.

So instead na bubuksan ko ay lumipat na lang ako sa pintuan ng passenger seat. Pagkapasok ko ay natanaw ko ang mga mata ni princess mula sa rear view mirror na nakatingin sakin.

Hindi ko na lang ito pinansin bagkus inayos ko na lang seatbelt ko at pakunwaring may binabasa ako na txt sa cp ko kahit wala naman.

Nakaka awkward lang kasi.

Napansin ata ako ni princess kaya nagsalita ito.

"As if naman may load?"

Napalingon dito si shan na malamang hindi na gets ang sinabi nito, pero ako alam na alam ko na ako talaga tinutukoy nito.

Yabang! Hoy kahit naman mahirap lang ako pero ni kelan di ako nauubusan ng load noh! Bakit? kaw lang ba pwede maka afford ng load? Pakainin kita ng load e! economy pa! pero e-chos lang yun huh. Sa isip ko lang 'yon sinabi.

Hindi ko na lang ito pinansin.

Nasa daan na kami papuntang hindi ko alam. Nang muling magsalita ang bruha.

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon