Chapter 41

510 6 4
                                    

Chapter 41:

"A girl who didn't believe in fairy tales, a girl who did not asked to have all things in the world. A simple girl who just dreamed of a simple thing to have is now the heiress among the heiress." Mga salitang namumutawi sa isipan ni Brent Gateway.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang simpling tao na nangarap lamang ng simpling bagay ay magiging ganito na kayaman sa isang iglap lang.

Pababa na ng hagdan si Enna. Lutang pa rin ang isip niya sa lahat-lahat.

"Siya si Galbino ang aking tagapamahala dito sa bahay." Saad ni Ginoong Sandoval na ang tinutukoy nito ay ang lalaking siyang nag assist kay Enna papunta sa opisina ng matanda.

Nag baba ito ng noo.

"Kinagagalak ko po kayong makilala Ginoo." Si Enna.

"At kinagagalak ko din po kayong mapaglingkuran oh aming prinsisa."

Ngumiti na lang ng bahagya si Enna. Kamahalan talaga huh!

"At ikaw ay kanyang ihahatid sa iyong magiging silid."

"Sige po mang.... Ah Lolo naldo."

"May aasikasohin lang ako apo." Saad nito at umakyat ulit sa itaas na bahagi ng bahay.

Sinundan na lang ito ng tingin ni Enna.

"Tayo na po, kamahalan." Saad ni Ginoong Galbino. Nauna na ito at sumunod naman siya, nakasunod naman sa kanya ang 2 babaeng mga nasa edad 20 or 21. naka black suit din ang mga ito na pangbabae naman ang pagkakatabas.

Pagkalabas ng bahay ay pinagbukas ng pinto ni Ginoong Galbino si Enna. Pumasok naman si Enna. Ng naisara na ng ginoo ang pinto ay pumanhik naman ito sa isang kotse na nasa unahan ng kotse kung saan nakasakay si Enna.

"Akala ko ba ipapakita sakin ang magiging silid ko?" mahinang tanong ni Enna sa sarili.

"Kaya nga ihahatid ka na don."

"Ay! Anak ka ng tipaklonng!" Gulat na saad ni Enna dahil nagulat siya nasa driver seat. Dumungaw ito sa kanya at ngumiti.

"Oh bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kagwapong anak ng tipaklong?" nakangising saad nito, at lumabas pa ang mga putting pantay pantay na mga ngipin nito. Idagidag pa ang makinis na balat nito.

He look so familiar para kay Enna pero hindi niya lang mawari kung saan niya ito nakita.

"Parang nakita na kita." Nakataas kilay na saad ni Enna.

"Yes you did, your highness." Nasa daan na ang mga paningin nito umaandar na kasi ang sasakyan.

Saan ko nga ba siya nakita? Di bale na nga lang... binaling na lang ni Enna ang paningin sa nag gagandahang paligid. Mala paraiso ang lugar na kinaroroonan niya ngayon. Hindi pa rin siya makapaniwala.

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon