Chapter 26

770 7 3
                                    

Chapter 26:

(Property of LetMeBeMysterious)

3rd persons POV:

Dahil sa tulong ni mister sandoval ay naiwasan ni enna ang malate sa klase. Nagawa din nito ng tama ang kanyang experimental activity sa physics. Vacant time nila ngayon kaya nakaupo lang siya sa desk niya at nagbabasa ng books.

Ang iba nilang mga kaklase ay busy sa pag chichicka, ang iba nakaharap sa mga gadgets nila at 'yong iba naman ay kung anu-ano lang ang ginagawa.

Busy sila sa kani-kanilang life. Sa subrang bored ni enna ay napag desisyonan nyang pumunta sa meditation garden. Kaya niligpit niya na ang mga gamit niya at pumunta na sa lugar na yoon.

Pagdating niya dun ay umupo siya sa isang bench na hindi kalayuan sa may entrance. May tumatakbo sa isipan niya. Isang taong miss na miss na nya.

Nilalaro niya ang buhok niyang mahaba habang nag-iisip kung asan na kaya ang dreamboy niya. Malalim ang iniisip niya ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan.

"ENNNNNNAAAAA! KYAAAAA!" sigaw ng isang babae at tumakbo sa kanya at yumakap.

Nagulat naman si enna pero ng mapagtanto niya kung sino ang babae ay yumakap din siya.

"DAPHNEEEEEE!" tuwang tuwa na sigaw ni enna habang nakayakap kay daf.

"Kumusta ka na?" tanong ni daphne.

"Okay lang naman ako, ikaw ang kumusta?"

"Ayon medyo naging busy, pasensiya na huh kung hindi ako nakapagpaalam sayo, biglaan kasi ang pagpatawag sakin ng lolo kung nasa London." Paliwanag nito.

"Kaya pala nawala ka bigla."

"Oo, hinanap kita sa facebook para makapagpaalam ako sayo pero di naman kita ma search."

"E paano mo naman ako masesearch e wala naman akong facebook."

"Ay ganun? Oh siya don't worry igagawa kita nun, sus Ikaw lang ata ang walang account nun e, mga tambay nga meron na nun." Mahabang saad ni daphne habang hawak pa rin ang mga kamay ni enna.

"Oh dahil sa mapilit ka, sige igawa mo ako!" nakangiting saad ni enna.

"Sure, oy infearness na miss talaga kita."

"Ako din naman e,nung nawala ka ang daming nangyari.."

"Yeah I heard about it, don't you worry I will do the revenge."

"Nako wag na daf, hayaan na natin sila. Bahala na sila." Saad ni enna.

"Anong bahala na? no I won't take that. Dapat silang managot for what they did sa'yo."

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon