Chapter 29:
(Property of LetMeBeMysterious)
Shan's POV:
Nandito ako ngayon sa school and to be exact nandito ako sa isang science garden ng mga seniors. Naupo ako sa isang bench na kurting dahon. Pagkaupo ko ay agad kong nilabas ang cellphone ko and I texted princess to be here. Wala sa plano ko na ipaalam sa kanya ang nalalaman ko, I have to prove it myself.
Makalipas ang ilang minuto mula ng naitext ko siya ay agad naman siyang dumating. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin na tipong nakikiramdam. Umupo ito sa tabi ko.
"So? Anong sasabihin mo?" she asked in a cold tune.
"I just wanted to apologize for what I act last time."
Nakita ko sa gilid ng paningin ko na lumingon ito sakin mula sa pagkakayoko.
"Wala yon, kalimutan na lang natin."
Pagkasabi niya non ay bahagyang katahimikan muna ang namamagitan samin. Pati ako ay nakikiramdam na din kung ano pa ang maaari kong sabihin sa kanya o itanong. Alam kong mali na hinahanapan ko siya ng mali pero hindi ko maiwasan to think that way.
"May sasabihin ka pa ba?" she ask again.
Ito na ang opportunity ko.
"Ah yeah, I just wanted to ask you if talaga bang naiwala mo ang necklace na binigay ko sa'yo?"
Nagulat ito sa tanong ko na 'yon.
"Look I am not doubting you, sinisigurado ko lang kasi alam natin pareho na mahalaga yon sakin kasi pamana 'yon ng lola ko." Saad ko, mali ang sinabi ko but I have to say it para mahuli siya. "Paano mo nga pala iyon naiwala?"
Yumuko ulit ito.
"Naliligo kami nun sa isang falls. Nakalimutan ko kasing hubarin kaya naiwala ko habang naliligo ako. Namalayan ko na lang na wala na pala ang necklace ng nasa sasakyan na kami paalis sa resort na 'yon."
Tumango lang ako. Pero hindi pa rin nakomperma ang pakay ko. So I have to do a secondary attack.
"Ah, ganoon ba? Pasensya na ha? Pamana lang kasi yon ng lola ko. Tinatanong na kasi ako ng lola kung kanino ko daw iyon binigay, and she knew a lot about you." Pagsisinungaling ko. Tumingin ako sa kanya at nagkatagpo naman ang mga mata namin.
"Alam kong mahalaga 'yon sa'yo kasi pamana 'yon ng lola mo kaya patawad talaga shan ha? Mag-aapologize na lang ako sa lola mo." Malumanay na saad nito na siyang nagpasabog sa galit ko. Pero hindi ko ito pinakita sa kanya. Marami pa itong sinabi sakin pero hindi ko na maintindihan ng maayos dahil sa nagwawala na ang galit sa sarili ko.
I confirmed it, that she is really fake. Bago pa man ako hindi makapagtimpi ay umalis na lang ako at sinabi sa kanyang kailangan ko lang mag banyo. Kaya dali-dali akong umalis sa lugar na 'yon bago ko pa man siya masaktan!
BINABASA MO ANG
Making Love
Teen FictionFirst story ko po ito... sana magustohan niyo. ^_^ Makwela po ang story.. pls give time to read po.. ^_^ a story of a girl who used to be inlove with someone who used to be her childhood sweetheart. anyway para po di kayo mahirapan sa pag imagine ch...