Chapter 46: The preparation
Enna's side:
Gulong-gulo pa rin si Enna sa mga nangyayari.
Malalim ang kanyang iniisip ng biglang may tumawag sa kanyang telepono.
"Hello?" malamyang tanong.
"Oh? Why you sound like pabebe?" tanong ng nasa kabilang linya.
Napangiti lang si Enna. "Oh? Napatawag ka?"
"Hmmm, I just wanted to asked are you going to the prince's place ba?" Sa lugar ng mga boys ang sinasabi nito.
"Bakit mo naitanong?"
"At bakit mo binabalik sa akin ang tanong?" Tanong ni Daphnie.
Nasapo na lang ni Enna ang noo. "Pag-iisipan ko pa sana e, kaso wala ang lolo ko dito at wala akong makausap.."
"So?" maikling tanong ni Daphnie.
"Yes, pupunta na lang ako sa lugar ng mga ugok na 'yon."
"Oy! Kung maka ano ka ah, andun din kaya ang boyfriend ko." Ani Daphnie.
"Oo na! Sorry poooo!" Nakangiting sagot naman ni Enna.
"Are you now preparing yourself?"
"Ha?Prepare? Saan?"
"OMG! Don't tell me? Oh my G! Enna! You should prepare yourself to look fabulous!"
Nakanganga lang si Enna sa sinabi ni Daphnie. "Ano bang ihahanda ko?" tanging tanong niya sa sarili.
"Ano ba sosootin mo para mamaya?" Daphnie asked.
"Ah, dress lang iyong binigay mo sakin."
"Oh, oh, no no no! Hindi ako papayag. Wait, just give me 10 minutes and I'll be there."
"Oka..." bigla na lang narinig ni Enna ang beep tone. "Okay!" Sabay baba sa phone. Di pa nga siya nakapag-okay ay binaba na ni Daphnie ang phone.
Nagdial na lang si Enna sa Main Gate na kung patuluyin ang bisitang nagngangalang Daphnie.
Pagkababa niya ng phone ay pumasok na siya sa banyo upang makaligo.
Pagkatapos makaligo ni Enna ay hinarap niya ang sarili sa harap ng salamin para mapatuyo ang buhok at upang masimulan na niya ang pag-aayos. Ilang minuto lang may nag doorbell sa pinto niya at alam na niya kung sino ito.
"Oh! Hi!" bati ni Daphnie. "So? Hindi mo ba ako papasukin sa loob ng bahay mo?" nakangiti nitong saad.
Ngumiti na lang si Enna na nakangiti at tumabi ng bahagya bilang pahintulot na pinapapasok na niya si Daphnie.
"Wow! I am on the Empress place!" napamangha ito sa ganda ng bahay ni Enna.
"Ang O.A. mo!"
Hindi naman sumagot si Daphnie at patuloy pa rin ang paglilibot ng mga mata nito kabuohan ng bahay.
"I can't imagine my life living in a place like this. So? What do you have in there?"
"Ikaw talaga, halika ka na nga sa loob ng kwarto ko ng masimulan na natin ang ating paghahanda!" pag-anyaya ni Enna kay Daphnie papunta sa kanyang silid.
Nang makapasok si Daphnie sa loob ng silid ni Enna ay lalo itong namangha. Napakalawak kasi ng kwarto ni Enna. May sarili pa nga itong sala na completo sa gamit at mini kitchen. At sa gitnang bahagi ay makikita ang circle shape na kama. Fuchsia pink naman ang kulay ng kabuohang kwarto ni Enna na siyang nakaragdag sa ganda ng silid nito.
BINABASA MO ANG
Making Love
Teen FictionFirst story ko po ito... sana magustohan niyo. ^_^ Makwela po ang story.. pls give time to read po.. ^_^ a story of a girl who used to be inlove with someone who used to be her childhood sweetheart. anyway para po di kayo mahirapan sa pag imagine ch...
