Chapter 28:
(Property of LetMeBeMysterious)
Shan's POV:
Nagising ako bandang alas 10 ng umaga. Alam kong late na ako kaya liliban na lang muna ako ngayong umaga. Bumangon na ako at bumaba upang magkape. Pagkababa ko ay naabotan ko si raven sa kusina na nagkakape din.
"Kanina pa ba sila umalis?" bungad ko kay raven na hindi ata ako napansin dahil sa napakalalim ng iniisip nito.
Para namang nabuhosan ito ng malamig na tubig dahil sa pagkagulat.
"Ha? Oo kanina pa, si brix umuwi sa kanila kagabi ganon din sa darriel." Sagot nito sakin at humigop ng kape sa mug nito.
"Ah." Maikli kong saad habang kumukuha ng mug at tinapat ito sa water dispenser at pinindot ang hot button para mainit na tubig ang ilalabas nito. Kumuha na din ako ng kape at nilagay sa mug ko na may mainit na tubig, nilagyan ko din ito ng 1 cube na white sugar and stir.
Uminom ako sa kapeng tinimpla ko. And perfect to my taste. Hindi matabang hindi rin matamis. Nangingibabaw pa rin ang lasa ng kape.
Nilagay ko sa tray ang kape at kumuha ng plato at nilagyan ng sandamakmak na bread. Naglagay din ako ng mayonnaise sa trey, syempre yong naka grapon.
"So ano ang gagawin mo this day?" raven asked habang abala naman ako sa paghahalungkat ng refrigerator, naghahanap ako ng pamaris. Pero wala akong nakitang pwede ipamaris sa bread ko. Kaya sinara ko na lang ito at humarap kay raven na ngayon ay naghihintay ng sagot ko.
"Gagawin ko? Wala naman bakit?"
Nagkibit ito ng balikat bago nagsalita. "Wala lang natanong ko lang."
Tumango lang ako at aktong kukunin ko na ang trey nang nagsalita ito ulit.
"Wait, may binigay kasi sakin si mrs. Rivera na task, you know it's a politics sa school natin." Huminto muna ito sa pagsasalita bago nagpatuloy. "Ang gusto lang ni ma'am ay bumuo daw ako ng grupo para sa coming school election day. And I don't have enough time to tell it to you kasi nga rush na."
"So? Ano ba talaga ang gusto mong tumbokin shed?"
"What I wanna say is... you are the president of that candidacy."
Kinuha ko na ang trey ko at ng malampasan ko na siya ay saka ako nagsalita. "Okay, if that's the case then count me in."
Narinig ko itong napabuntong hininga.
Pagdating ko sa my terrace ay nilapag ko agad sa mesa na andun ang dala-dala kong trey. Humigop muna ako ng kape bago pumunta sa kotse ko upang kunin ang folder na binigay sakin ng intel ko kahapon.
Pagkabalik ko sa terrace ay humigop muna uli ako ng kape bago binuklat ang folder. It was a report, mahaba ito, full of details about her. About the girl who I used to know or shall we say who used to use the identity of my childhood friend.
BINABASA MO ANG
Making Love
Teen FictionFirst story ko po ito... sana magustohan niyo. ^_^ Makwela po ang story.. pls give time to read po.. ^_^ a story of a girl who used to be inlove with someone who used to be her childhood sweetheart. anyway para po di kayo mahirapan sa pag imagine ch...