Chapter 18

688 8 7
                                    

Chapter 18:

(Property of LetMeBeMysterious)

3rd person's POV:

Sinimulan na ni xynard ang paghahanap sa nawawalang anak ni mister Sandoval. Bukod sa pera kasi ay nahihiwagaan siya kung papano nawala ang anak nito at sa hindi niya mawaring dahilan ay may parti ng sarili niya na nag-uudyok na gawin ito.

Pero napakahirap talaga hanapin ang isang tao o bagay kung wala kang lead kung saan magsisimula.

Tiningnan niya ulit and folder. Nabasa niya dun ang isang address, agad niya itong pinuntahan.

Pagkadating niya sa lugar ay bumaba siya ng kotse at tinanggal ang soot niyang sunglass.

Isang eskwater area ang kinaruruonan niya ngayon. Anak ng isang millionaryo este billionaryo ay tumira sa lugar na gaya nito?

Lalong nadagdagan ang excitement niya na may halong curiosity.

Xynard loves thrill situation like this.

Lahat ng tao sa lugar na nadadaanan niya ay napapatingin sa kanya.

He is wearing a lacoste V-neck t-shirt na kulay blue, napakahapit sa katawan nito ang damit na lalong nagpapagwapo sa aura nito, lumalabas kasi ang pagiging masculine nito. Pinarisan niya ito ng may pagka skinny jeans but not that totally skinny talaga at converse shoes.

Huminto siya sa isang tindahan at kunwaring bibili ng softdrinks pero ang talagang pakay niya sa tindera ay ang makapagtanong.

Pagkabigay nito ng softdrinks ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Nagtanong siya agad sa tindera.

"Ahm mawalang-galang na po? Pwede po bang makapagtanong?" saad ni xynard sa tindera na mga nasa 50 pataas na ako edad.

"Ano 'yon hijo?" sagot naman ng tindera.

"Matagal na po ba kayong naninirahan dito."

"Oo hijo matagal tagal na din. Dalaga palang ako ng napadpad ako sa lugar na ito. Dito na rin ako nakapag-asawa, nagkaanak at nagka-apo."

Jackpot! Yon agad ang tumatak sa isipan ni xynard.

"Ah so kilala niyo na po halos lahat ng naninirahan dito?"

"Oo naman, minsan na ako naging chairwoman dito, kaya kilala ko ang mga matatanda dito maliban na lang sa mga bagong panganak. Hehehe."

Kinuha ni xynard ang picture ng anak ni mister Sandoval na nasa wallet niya. Pinakita niya ito sa ale.

Making LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon