Chapter 42:
Everything is a dream! Everything that happens is just only a dream, iyon ang nasa isip ngayon ni Enna. She can't barely still believe na ang lahat ay nangyayari.
"Kung panaginip man ang lahat Lord sana po may gigising sa akin." Tanging sabi lang ni enna sa sarili
Kasalukuyan siyang nakasakay sa isang kotse papasok sa academy. Tented ang salamin ng kotse kung saan siya lulan subalit nakikita niya ng malinaw ang paligid sa labas. Lahat ay naka abang sa paghinto ng kotsing sinasakyan nya.
"Sino kaya ang nasa loob ng kotse?"
"Maybe not from here sa academy."
"Or maybe my connection sa mga mayayaman."
Lahat ng nasa labas ay pawang puro ispekyulasyon lamang. Subalit lahat ay nanlaki ang mga mata ng Makita nila kung babaeng bumaba mula sa kotse. Lahat na nakanganga dahil hindi nila lubos maisip na ang nasa loob ay si Sharina Erica Sandoval.
Nakayuko lang ang ulo ni Enna ng lumabas siya sa lulan niyang sasakyan. Pero kahit nakayoko pa siya nakilala pa rin siya ng mga estudyante.
Sa kabilang bahagi naman ay may dalawang paris ng mata ang hindi makapaniwala. Si Shan.
"Give way! Please give way." Sabi ng mga mga guard ng Academy bilang pagbigay daan sa Director ng School na siyang Lolo ni Enna.
Sumalubong na din sa kanila ang Faculty ng Academy. At diretso na din silang pumasok sa Faculty Office ng School. Pagkapasok nila ay saka lang din nagsi-alisan ang mga estudyanting nakichismis.
Sa pag-alis ng mga estudyante ay naiwan si Shan na hindi nakapag-isip ng matino.
Hindi naman mapakali si Enna sa special treatment na pinapakita sa kanya ng mga empleyado. Hindi niya kasi nakasanayan na siya ang nasa sentro ng attraksyon. Subalit dahil sa wala naman siyang magawa ay nagpati-anod na lang siya sa mga nangyayari.
Naiwan si shan sa kanyang kinatatayuan. Ang babaeng kanyang napupusuan ay ang natatanging prinsesa ng mga Sandoval? Para siyang Dota character na natamaan sa stun skill ni Centor dahil hindi man lang makakibo. Binasag ng School bell ang pagkashock ni Shan. At kusang gumalaw na lang ang kanyang mga paa papunta sa kanyang classroom.
Nakapasok na si Shan sa classroom nila, ngunit kagaya niya lahat ay hindi makapaniwala sa bagong issue. Lahat ata ng mga kaklase niya hindi nakapag-move on. Napakatahimik ng buong room, lahat ay parang nag-iisip ng subrang lalim. Naninibago si Shan kasi hindi kailan man naging ganito katahimik ang silid aralan na iyon.
Ilang minute lang ay humahangos na dumating ang "King in Tardiness" nila na kaklase na si Pete. Habol nito ang hiningang pumasok sa room nila.
"Guys!..." (3secs pause bago nagpatuloy.) "Guys!.. Si Enna!" (2secs pause) "Si Enna! Ay ang Sandoval Heiress!!!" Pasigaw na saad nito na nag echo pa ang boses sa apat na silid ng classroom. Pagkasigaw non ni Pete ay tinitigan lang siya ng buong klase na tipong hindi na sila interesado. At dahil sa pinakitang reaksyon ng buong kaklase niya ay doon lang napagtanto ni Pete na alam na pala buong school ang issue. Sadyang siya lang ata ang nahuling nakakaalam.
Pagkatapos ng sigaw ni Pete ay nagsimula ng magsalita ang bawat isa. Umingay na naman ang klase kagaya ng nakasanayan. Usap dito, usap doon as usual routine ng room na yon. Bawat isa ay nakikipag-usap sa isa pa para masabi ang saloobin. Tanging si Shan lang ata ang naka-upo sa upuan niya ang mag-isang nag iisip ng malalim.
BINABASA MO ANG
Making Love
Ficção AdolescenteFirst story ko po ito... sana magustohan niyo. ^_^ Makwela po ang story.. pls give time to read po.. ^_^ a story of a girl who used to be inlove with someone who used to be her childhood sweetheart. anyway para po di kayo mahirapan sa pag imagine ch...