Chapter 7:
(Property of LetMeBeMysterious)
Enna's POV:
Nasa classroom ako ngayon. May pinapagawa kasing research paper ang teacher namin sa physics.
Kaya dumiretso ako sa library at nanghiram ng books sa physics.
Ng nasa room na ako nakakashocks naman mga classmate ko nakalaptop lahat. Pumunta na ako sa desk ko hindi rin naman nila ako napansin kasi busy nga sila.
Hindi nagtagal naging busy na din ako. Nasa kalagitnaan na ako ng pagreresearch ng mapansin kong may nakatitig sa'kin.
Tumingin ako sa harap ko wala naman. Kaya lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang taong nakaupo sa likuran ko. Si shan.
Hito na naman ang damuhong 'to!
"Ano tinitingin tingin mo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit? Masama bang tingnan ka? May batas ba ang pilipinas na bawal ang tumitig sa isang tao?" sagot naman nito.
Aba! Makikipag-asaran na naman ata 'to ah.
"May sinabi ba ako?" yumuko na lang at ako nagpatuloy sa pagsusulat.
Tumahimik na din ito at ginagawa na din ata ang pinapagawa samin.
After 40mins. Bumalik na si ma'am Ayuste our physics teacher.
"Okay class. Please send your works at my e-add." Sabi nito.
Tumayo ako kasi hindi ko naman masesend sa e-add ni teacher ang gawa ko kasi di naman ako naka laptop.
"Ah ma'am? Ito po 'yong paper work ko."
Ako lang ata ang tumayo at nagpasa ng yellow paper kay teacher.
"Oh miss Villanueva."
Tinanggap nito ang papel ko at nilagay sa class record nito.
Bago ako tumalikod ay nagsalita ito at nahinto naman ako.
"Mas gusto ko ang ganito kasi makikita mo na pinaghirapan ang research kasi mano-mano talaga. Alam mong no Copy-Paste process." Mahinang saad nito.
Napangiti lang ako at tumalima na ako sa paglakad. Akala ko kasi hindi tatanggapin.
Pagkatapos kong maipasa kay teacher ang paper ay bumalik na ako sa upuan ko. Nakita ko si shan na inaayos mga gamit nito pati 'yong laptop niya. Bawat desk kasi may maliit na drawer na pweding lagayan ng laptop o kahit anong gamit. Safe din ito kasi ang lock nito ay code na kagaya sa mga lock ng locker.
BINABASA MO ANG
Making Love
Fiksi RemajaFirst story ko po ito... sana magustohan niyo. ^_^ Makwela po ang story.. pls give time to read po.. ^_^ a story of a girl who used to be inlove with someone who used to be her childhood sweetheart. anyway para po di kayo mahirapan sa pag imagine ch...